Christian

Christian ginulat ang American R&B group

June 24, 2024 Aster Amoyo 640 views

FILIPINO balladeer, stage, TV actor and host Christian Bautista had a chance to perform with the 90s American Grammy-award winning R&B quartet, All-4-One in Indonesia last Sunday, June 23, 2024 as part of the group’s 30th anniversary world tour.

Christian is popular in Indonesia and other parts of Southeast Asian countries which include Singapore,Malaysia and Thailand.

Ang Tomita Entertainment na siyang organizer ng Indonesian leg ng All-4-One decided to invite Christian to be the group’s front act. He also had a chance to sing with the group a classic hit song na “Bridge Over Troubled Water”. Sa kanyang solo act, kinanta ni Christian ang kanyang classic hit songs na “The Way You Look At Me,” “Hands To Heaven” and his own version of Jose Mari Chan’s own composition and hit song na “Beautiful Girl”.

Ang All-4-One quartet na binubuo nina Tim `Delious’ Kennedy, Tony Borowiak, Jamie Jones at Alfred Nevarez at siyang nagpasikat ng mga classic hit songs tulad ng “I Swear,” “So Much In Love,” “I Can Love You Like That” at iba pa. The group is based in Glendale, California, USA.

Nagulat ang grupo sa husay kumanta ni Christian who has a huge following in Indonesia.

Tulad ng maraming popular singers and performers ngayon na sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Erik Santos, Rachelle Anne Go, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Angeline Quinto, JK Labaho, Darren Espano and a host of others, si Christian ay nagmula rin sa isang singing competition, ang “Star In A Million” where he placed 4th to Erik Santos na siyang tinanghal na grand winner nung 2003.

He became part of ABS-CBN’s Sunday musical variety show, ang “ASAP” (now ASAP Natin `to) but moved to GMA in 2013. Nakilala nang husto si Christian when Warner Music Philippines signed him up and came up with his debut album na “Christian Bautista” na pinagmulan ng kanyang mega hit song na “The Way You Look at Me” na naging hit hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang Southeast Asian countries particularly Indonesia where he became a star. His popularity also brought him to Singapore to star in an Asian musical play, ‘The Kitchen Musical’ kung saan tampok din ang kapwa niya Filipino singer, actress at host na si Karylle and other Asian singers and actors.

There was a time na naging second home na ni Christian ang Indonesia kung saan naging sunud-sunod ang kanyang shows at kasama na rito ang kanyang guesting sa isang episode ng “Take Me Out” TV show sa nasabing bansa. He would also perform with other popular singers in Indonesia.

Back in the Philippines, si Christian ay regular na napapanood sa Sunday musical show ng GMA, ang “All Out Sundays” along with other Kapuso talents. Isa rin siya among the regular judges ng “The Clash” singing competition ng GMA.

Christian is married to Kat Ramnani, US educated at isang executive ng isang kilalang telecom company in the Philippines. The couple met in 2015 and got married nung November 17, 2018 in Bali, Indonesia.

Fans ni Rhen nagpa-block screening

RhenRhen1Rhen2SOBRANG thankful ang Viva actress at lead star ng action-drama movie na “Karma” (na palabas ngayon sa mga sinehan nationwide) si Rhen Escano hindi lamang sa kanyang home studio, ang Viva for allowing her to star in the movie produced ng Happy Infinite Productions in association with Mobeous Films at direksyon ni Albert Langitan kundi maging sa kanyang growing fans na nag-sponsor pa ng block screening ng kanyang movie sa SM Megamall last Sunday, June 23. Present din ang kanyang mga fans sa successful Red Carpet Premiere ng pelikula na ginanap sa Cinemas 6 & 7 ng SM North EDSA nung isang linggo at marami sa kanila ay kasa-kasama pa ni Rhen sa kanyang ginawang theater tour.

“Sobra ko pong ina-appreciate ang suportang ipinapakita ng mga fans ko na nagi-effort pang makarating sa iba’t ibang mahahalagang okasyon sa kabila ng kanilang mga busy schedules din,” pahayag ni Rhen.

Sa pelikulang “Karma” ay naipakita ni Rhen ang kanyang husay hindi lamang sa larangan ng acting kundi maging sa action stunts. Kabituin ni Rhen sa nasabing pelikula sina Sid Lucero (na co-star din niya sa TV series na “Lumuhod Ka sa Lupa” sa TV5), Roi Vinzon, Paolo Paraiso, Krista Miller at iba pa. May special participation sa nasabing pelikula si Cris Villanueva.

Bago ang pelikulang “Karma” ay napanood si Rhen sa hit horror movie na “Marita” where she played lead na tinampukan din ni Louise de los Reyes at pinamahalaan ni Roni Benaid.

Nash at Mika guests sa nagbabalik na ‘Goin’ Bulilit’

GBKASAMA ang newly-wed couple na sina Nash Aguas at Mika de la Cruz bilang guests sa magbabalik na kiddie show, ang “Goin’ Buliliit” na magsisimulang mapanood sa iba’t ibang ABS-CBN platform sa darating na July 1, 2024 bago mag-“TV Patrol”.

Kung ang dating “Goin’ Bulilit” ay napapanood noon tuwing Linggo ng gabi, ngayon ay gagawin na itong araw-araw kaya super excited ang mga bagong miyembro ng kiddie program na creation ng veteran singer, actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Tuwang-tuwa ang mag-asawang Nash at Mika dahil sa “Goin’ Bulilit” sila nagsimula along with their other colleagues. Ang nasabi ring programa ang pinagmulan nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano, Kiray Celis, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Harvey Bautista, Alexa Ilacad, Izzy Carillo, Igi Boy Flores, Jane Oineza, Kristel Fulgar, Alfred Labatos, CJ Navato, Bugoy Carino at marami pang iba.

Bukod kay Jordan Lim (na kasama sa dating “Goin’ Bulilit” nung 2019, makakasama pa rin sa programa si Romeo `Dagul’ Pastrana at ang bagong pasok na si Baby Giant (Renz Joshua Bana) along with the new kids na binubuo nina Felix Aspiras, Arianah Kelsey Lasam, Briseis Ericka Quijano, Enicha Xaria Orlee, Imogen Cantong, Imogen Capili, Princess Catherine `Kulot’ Caponpon, Chastity Dizon, Scarlet Carino (anak ni Bugoy Carino), Lucas Andalio (pamangkin ng actress na si Loisa Andalio), Jeremiah Cruz at si Jordan Lim na pinsan ng matinee idol na si Daniel Padilla.
Nakikita ng mag-asawang Nash at Mika ang kanilang mga sarili nung sila’y mga bata pa sa mga bagong miyembro ng “Goin’ Bulilit” na binigyan nila ng advise na i-enjoy lang ang ginagawa nila sa programa dahil darating din ang time na sila’y ga-graduate when they turned 12 or 13 years old.

Bukod kina Nash at Mika, inaasahan din ang guesting ng iba pang graduates ng “Goin’ Bulilit” sa newly-revived na “Goin’ Bulilit” na pinamamahalaan pa rin ni Edgar `Bobot’ Mortiz kasama ang mga anak na sina Frasco at Badgie at dating bumubuo ng “Goin’ Bulilit” staff.

Nanette pinangarap na maging Philippine diplomat

NanetteNanette1ANG singer na nagpasikat ng awiting “Salamat, Salamat Musika” na komposisyon ni Danny Tan, actress-comedienne at university professor na si Nanette Inventor ay naging miyembro ng UP Concert Chorus na nakapag-tour sa Amerika, Europe at iba pang bansa. Sa UP din siya nagtapos ng Foreign Service dahil pangarap niya noong manilbihang Philippine diplomat sa sa ibang bansa.

Pero nanaig sa kanya ang pagiging singer na kanyang sinimulan when she was 7 years old bilang church choir member.

Although tinapos ni Nanette ang kanyang kolehiyo sa University of the Philippines, she admits na singing talaga ang kanyang first love at passion kahit ayaw ng kanyang lawyer father dahil mahina umano ang kita rito.

She started singing for commercial jingles at back-up singers ng mga popular singers nung dekada sitenta tulad nina Celeste Legaspi, Basil Valdez, Leah Navarro at marami pang iba. She also recorded covers hanggang mabigyan siya ng chance to record her own album under OctoArts International ni Orly Ilacad.

Nagbago ang takbo ng career ni Nanette when she gave life to the character of “Donya Buding” na isang noveau riche social climber sa now-defunct “The Penthouse Live” on GMA hosted by then couple Martin Nievera and Pops Fernandez na nag-propel sa kanyang kasikatan nung dekada otsenta at nubenta.

Ang character na Dona Buding ay hindi na kailanman mawawala kay Nanette kung kanino siya identified. But first and foremost, she is a good singer and performer na siyang naging daan sa kanyang kinaroroonan ngayon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE