Heart

Heart: ‘Isang ubo ko lang, nauubos ang kinita ko’

June 24, 2024 Eugene E. Asis 167 views

Heart1INAAMIN ng actress-socialite at Senate Spouses chair na si Heart Evangelista na masama ang loob niya sa mga taong patuloy na sumasabotahe sa kanyang Instagram.

Nagbahagi ng video ang Kapuso star sa Instagram upang ilahad ang kasalukuyang pinagdaraanan sa kanyang online content para sa Paris Fashion Week.

Ayon kay Heart, alam niyang may nagaganap na mass reporting at pananabotahe sa kanyang fashion videos.

“I’ve been getting a lot of direct messages about my last reel, KENZO. It was a great video, I truly enjoyed it.

“But, unfortunately, there are groups of people again sabotaging my Instagram, and a lot of my fans are angry,” post ni Heart.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Heart sa kanyang followers na magpapadala ng kanilang mensahe bilang babala sa kanya sa mga nangyayari.

“We’re fine. We’re living, so hayaan na. Hindi natin kailangan ma-haggard,” magaang sagot ni Heart.

Binalikan pa niya ang panahong naiiyak siya dahil sa mababang views ng kanyang videos. Para sa kanya noon, sobrang mahalaga ang engagement. Pero iba na ang pananaw niya rito ngayon.

“Let’s just be happy and not get angry,” sabi pa niya.

Totoo namang para sa marami, trabaho ang pag-attend sa mga fashion show pero para kay Heart, secondary na lamang ito dahil nae-enjoy niya ito.

“In fact, yes, it was a living, it’s what I do, but it is not only what I do. Isang ubo ko lang, naga-gastos ko rin ‘yung kinita ko, so hindi rin siya for a living. It’s just really what I enjoy,” pagtatapos niya.

 

AUTHOR PROFILE