Chito Larawan: Chito Miranda / IG

Chito Miranda masaya sa family tour

October 28, 2023 People's Tonight 390 views

IBINAHAGI ng OPM singer na si Chito Miranda ang mga bagay na kinokonsidera niyang mahalaga. Isa na nga rito ang kanyang asawa na si Neri Miranda at mga anak.

Sa larawang in-upload ng vocalist sa kanyang Instagram, Biyernes, Oktubre 27, sinabi niyang sobrang saya niya sa naging family tour nila. Dagdag pa roon, sinabi rin niyang kahit may naramdaman siyang kaunting stress dahil sa kakulitan ng kanyang mga anak, worth it pa rin ang pamamasyal nila.

Aniya, “Sobrang saya ko na nasasama ko yung family ko sa tour. Medyo nakaka-stress mag travel kasama ang kids, pero worth it naman yung hassle kasi enjoy naman sila bumiyahe.”

Sey pa niya, mas pipiliin niyang ma-stress na bumyahe kasama ang mga bata, kaysa umalis at ma-stress dahil nalayo siya sa kanila.

“And I would rather deal with the stress of traveling with the kids, kesa ma-stress dahil malayo ako sa kanila. Right now, sila lang ang mahalaga,” saad pa ni Chito.

“Lord, simple lang ang gusto namin sa buhay: ang maging palaging safe, and healthy, at mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE