Default Thumbnail

Chinese nat’l dinukot sa Sta. Cruz

February 19, 2024 Jonjon Reyes 402 views

DINUKOT ng dalawang hindi nakilalang salarin ang isang negosyanteng Chinese sa harap ng kanyang bahay sa Sta. Cruz, Maynila noong Linggo.

Base sa flash alarm report ng Manila Police District Station 3 District Tactical Operation Center, bandang alas-2:50 ng madaling araw ng Lunes nakilala ang biktima na si Qiu Shangjin ng 825 6th flr. Apartment Bldg. sa Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila.

Tinatayang alas-9:50 ng gabi noong Linggo nang maganap ang pagdukot ng dalawang suspek kay Qiu.

Sakay ang mga suspek ng brown Toyota Innova na may tatak na speed racer sa side panels at logo ng star sa harap ng hood.

Hindi binanggit kung may ransom demand na kapalit ng kalayaan ng biktima.

AUTHOR PROFILE