Villaluna

Check-in agent sa NAIA nangotong sa OFW, sibak!

May 6, 2023 Jun I. Legaspi 359 views

SINIBAK agad ng Philippine Airlines (PAL) management ang isang lady check-in agent na umano’y sangkot sa panloloko sa mga paapalis na mga Oversees Foreign Workers (OFW).

Sa opisyal na pahayag ni Cielo Villaluna, PAL spokesperson, inalis agad sa pwesto ang lady check-in agent na nakapwesto sa Window 74 at sinusinde ito.

Nagsagawa rin ng masusing inbestigasyon ang management kaugnay sa nasabing panghihingi ng pera umano ng suspek sa mga papaalis na mga OFW.

Ayon pa kay Villaluna, nakikipag-ugnayan na ang PAL management sa kanilang agent’s employer at service provider sa NAIA Terminal 2 upang mahigpit na ipatupad ang mga polisiya ng management at hindi na maulit ang mga irregularities at anumang uri ng panloloko at panghihingi ng pera sa mga OWFs.

Tiniyak ni Villaluna na hindi kinukunsinti o pinapayagan ang anumang anomalous activity ng sino mang empleyado ng kumpanya. Tiniyak din nito na parurusahan ang sino mang mapatunayang sangkot sa mga ganitong gawain.

Ayon kay Villaluna, gagamitin nilang ebidensiya ang viral na reklamo ng OFW sa ginagawang imbestigasyon ng airline.

Ayon sa kumalat na reklamo ng isang papaalis na OFW, imbyerna ang inabot nya kay lady check in (W74) sa NAIA T2.

Kwento ng OFW, umabot sa P11,000 ang hiningi ng suspek at unutusan siyang ideposito ito sa personal account nito o kaya ay sa kanyang GCash account.

Ito raw ang utos ng supervisor ng suspek kung hindi ay mapagagalitan siya.

Sa kwento pa ng OFW, mabuti at napagtanto nya ang mga pangyayari at nakaalis ito ng walang ibinigay na pera sa suspek.

AUTHOR PROFILE