Chavit

Chavit, ’di nagpabayad sa ‘Probinsyano’ ni Coco

March 12, 2023 Ian F. Fariñas 1315 views

Chavit1CocoSalveSalve1NARVACAN, ILOCOS SUR — Nakakalula sa ganda ang seven-hectare property ni dating Ilocos Sur governor at Narvacan mayor na si Chavit Singson sa Sulvec, Narvacan, Ilocos Sur.

Ang sprawling property na binansagang “Sulvec Greece” ng Narvacan ang nagsilbing tahanan ng lock-in taping ng Kapamilya action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin nu’ng kasagsagan ng Covid-19 lockdown.

Ayon kay Chavit, libre ang naging pagtuloy dito ng cast at production team dahil tumanggi siyang magpabayad.

Dagdag pa niya, bukas ang Sulvec Greece sa anumang network o production company na gustong mag-location shoot o taping dito.

Actually, nakapunta na rin dito sina Pops Fernandez, Vina Morales at vlogger/socialite Small Laude.

“Yes, yes, open ang lahat. Private lang, hindi… walang bayad, hindi sila, walang bayad. Hanggang matapos, hanggang mamatay lahat nu’ng… ang dami nang pinatay dito, eh.

“Actually, lahat naman like friends, si Fernando Poe nu’ng buhay pa, buwan din tumira rito. Sa Baluarte siya nag-aano. Dito kami nag-25th anniversary si Fernando Poe. So, lahat ng mga artista na pumupunta, libre, walang bayad. ‘Yung animal, ‘yung zoo, 25 years, walang bayad. Walang entrance. Animal show, three times, four times a day, libre lahat. Libre lahat ‘yon (pati ang makulay at hi-tech na dancing fountain sa Vigan). Ginawa ko ‘yon 10 years ago. Binago na lang ngayon dahil siyempre, nag-a-update na,” kuwento pa niya.

Nag-umpisang itayo ang Sulvec Greece noong lockdown dahil sa kanyang boredom. Inspired ang design nito ng mga biyahe niya abroad.

Mahigit 300 katao ang nagtulung-tulong gumawa nito. Ang main house, na may limang kwarto, ay nabuo sa loob ng mahigit pitong buwan.

“Everyday, binabantayan ko,” sundot pa ni Chavit, “walang magawa, eh, nu’ng lockdown. Ang main house, may limang kwarto. Meron ding twin villas, ang isang villa, may six bedrooms, tapos another one na may six rooms.”

Meron ding villa para sa mga piloto na kasama sa arkitekto nito ang bumagsak na eroplano sa bubong. Katabi nito ang isa pang villa na laan naman para sa mga stewardess.

Maliban sa magarbong main house at twin villas, meron din itong chapel, maliliit na parang kweba by the sea, gym at swimming pool.

Sisimulan na rin anytime now ang construction ng helipad na sa tantiya ni Chavit ay matatapos sa susunod na buwan.

Kasabay nito ang pagtatayo ng isang events center at altar para sa mga balak magpakasal.

“Ako, d’yan papakasal. Naghahanap pa, hahaha!” sey ng dating politiko.

Nang tanungin kung may napipisil na ba siyang bride-to-be, ang seryosong sagot ni Chavit, “Gusto ko ‘yung maganda ang puso.”

Malaki man ang ginastos sa pagiging bored noong lockdown, ayaw na niyang kuwentahin pa ang halaga ng Sulvec Greece.

Katwiran ni Chavit, “Ako, ginagastos ko lahat dahil ‘pag namatay ako, ‘di ko naman madala, eh. Mabubulok lang. ‘Yung iba, pinag-aawayan. Ang daming kasong ganyan, pinag-aawayan. So, ako, ginagastos ko lahat. And enjoy life because life is too short. Enjoy while you can.”

AUTHOR PROFILE