Angara

Cha cha plebiscite, 25 polls pwede sabay — Sen. Angara

February 8, 2024 PS Jun M. Sarmiento 90 views

IGINIIT ni Sen. Juan Edgardo Angara, chairperson ng sub-committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, na pwedeng pagsabayin ang plebisito at national and local elections sa 2025.

Ayon sa kanya, mayroon ng naunang desisyon ang Kataas taasang Korte ukol dito na pabor sa posibleng pagsasagawa ng panabay na pagboto.

Ayon kay Angara, inayunan ng korte ang kasong Occena vs.Comelec nuong 1981 sa Korte Suprema.

“Kaya nga dapat by October dapat i-reconcile ang legal requirement. Kung magkaisa kaming lahat, pwedeng mapaaga. But it must be stable, well planned and well thought,” giit ni Angara.

Tinatalakay ng mga mambabatas mula sa Senado at House of Representatives na maamyendahan ang tatlong malalaking economic provisions ng Saligang Batas.

Matatandaan na sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi pwedeng magpanabay sa eleksyon ang plebisito ng Cha-cha sa May 2025 national at local elections.

Gayundin sinabi ni Garcia na hindi pa rin siya sang-ayon na isabay ito sa December 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“I think that is just the opinion of Comelec Chair Garcia. We will invite him so we can listen to his argument. Pero sa akin, maganda talagang isabay ito sa 2025.

To give adequate time to the people to study it. That is the essence of democracy,” sagot Angara.

Kinumpirma ni Angara na bukod kay Garcia, iimbitahin din ang iba pang mga legal luminaries tulad nina dating Chief Justice Artemio V. Panganiban at Senior Associate Justice Reynato S. Puno.