
Celebrity friends nawindang sa b-day pictorial pasabog ni Melai
Ang daming naaliw sa birthday post ni Melai Cantiveros nitong Linggo, April 6.
Bilang kaarawan nga niya, nakiuso ang TV host/comedienne sa pagkakaroon ng birthday shoot.
Ang naisip ni Melai na concept for her pictorial ay calendar girl siya ng tuba.
Mala-calendar girl nga ang sexy pictorial ni Melai na lumaban talaga sa paseksihan. Katabi niya pa ang isang galong tuba sa larawan.
Aliw nga ang dalawang photos kung saan ay makikitang nakasubo sa bibig niya ang balat ng puno ng buko.
Sa mga hindi nakakaalam, ang tuba ay isang uri ng tradisyonal na alak sa Pilipinas na mula sa niyog o buko.
Sey ni Melai sa caption, “Akala nyu @bernardokath and @ivanaalawi kayu lang magaling sa ganitu na posing???????? Tama ang akala nyu kayu lang tlaga kasi pangit ng kalabasan ko dtu hahahaha.”
Patuloy pa niya, alam niyang makakatanggap siya ng bashings sa post na ito.
“This is my Birthday Bash Post, totoong bash tlaga makukuha ko dtu. Pero shout out jan sa mga Kuantie and mga Momshie na ready ang Tuba at Bahalina sa Bday na may kasamang chismisan pa.
The Best. Happy Bday To Me , #AprilFoolsBdayToMe #TubaChronicles,” aniya.
“Thank you sa mga following na nabudol ko sa pictorial natu,” saad pa niya.
Siyempre, tulad ng ibang pictorial shoots, may pa-thank you rin si Melai sa photographer, sa nagdisenyo ng background, sa make-up at sa hairstylist/stylist.
Pahabol pa niyang hirit, “Pagbigayn nyu na ako birthday konaman. Promise di natu mauulit.”
Sa comment section ay nagkagulo ang netizens at kapwa-celebrities sa pasabog ni Melai.
“HAPPY BIRTHDAY!!! WALA NA TINAPOS MO NA ANG LABAN.” komento ni Ivana Alawi.
“Ure the best twinny one happy birthday!!” pagbati naman ni Angelica Panganiban.
“Happy birthday Melai! Ang init ng summer!” mensahe naman ni Jericho Rosales.
“melai!!!! Buang jud ka! happy birthday dai!” komento naman ni Kaye Abad.
“GRABEEE KAAA,” sey naman ni Robi Domingo.