
Netizens super mean sa medyo may edad nang female host
SUPER mean talaga kung minsan ang mga netizen lalo na sa mga dumalo sa isang nakaraang showbiz event.
Dumalo kasi sa okasyon ang isang female host na may katapangan ang dating sa kanyang show. Eh, solo siyang nakunan ng picture na inilabas sa social media.
Pero may request ang nag-post. I-zoom in daw sa kamay ng female host.
Kapag naka-zoom in, makikita ang kamay ni host, huh!
Ugatin na kasi, kulu-kulubot pa!
Parang hindi swak ang kamay sa maganda niyang mukha.
Kayo naman, eh, medyo may edad na rin naman si female host. Be kind!