Celebrities na army reservists dumarami

June 12, 2024 Aster Amoyo 228 views

PARAMI nang parami ang celebrities na sumasali at sumasailalim ng Philippine Navy and Philippine Air Force Basic Citizen Military Training bilang military and navy reserves at kamakailan lamang nagtapos ang singer-actress na si Geneva Cruz at ang mahusay na actress na si Eula Valdez na kasamang grumadweyt sa Philippine Air Force Basic Citizen Military Training Class 2024 Alpha.

Ilan sa mga nakapagtapos na ng training (sa military and navy) ay sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Rocco Nacino, Gerarld Anderson, Julia Barretto, Nash Aguas, Yves Flores, Jerome Ponce, JM de Guzman, Diether Ocampo, Michelle Dee, Nadia Montenegro, Arci Munoz at iba pa. Ang mga ito ay malaki ang maitutulong laluna sa panahon na kalamidad.

Chito Ilacad pumanaw na

ChitoChitoChitoNASA labas kami nung Martes, June 11 ng hapon nang makarating sa amin ang malungkot na balita na pumanaw na ang nakababatang kapatid ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad na si Chito Ilacad (Ramoncito del Rosario Ilacad) dahil sa sakit sa puso.

Chito was dead on arrival nang ito’y isugod sa Cardinal Santos Medical Center in Greenhills, San Juan City matapos itong bumagsak at matagpuang nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay nung hapon ng June 11. He was immediately rushed to the hospital, tried to be resuscitated by the doctors but declared dead at past 2 p.m. on same day.

Si Chito ay dating executive ng dalawang major record companies, ang Vicor Music Corporation (headed before by his older brother na si Orly Ilacad and first cousin na si Vic del Rosario, Jr.) at kung saan siya ang tumayong head ng A&R (Artist & Reperoire) Division ng record company at ang OctoArts International na pag-aari at pinamunuan naman ng nakatatanda niyang kapatid na si Orly Ilacad na siya ring nagmamay-ari ng OctoArts Films. Tumayo siyang executive vice-president at head ng Sales Division ng record company ng OctoArts International.

During his time at Vicor and OctoArts ay nakapag-compose siya ng ilang hit songs at kasama na rito ang ang classic hit songs ng yumaong “Total Performer” na si Rico J. Puno, ang “Kapalaran” at “Together Forever” (under Vicor) at “Paniwalaan Mo,” “Salawahan” at “Remember Me” under OctoArts.

Si Chito ay mister ng dating member ng Cinderella who went solo, ang yumao na ring si Yolly Samson-Ilacad na siya namang nagpasikat ng mga awiting “Bato Sa Buhangin,” “Sa Aking Pag-iisa,” “Ang Boyfriend Kong Baduy,” “Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdig,” “Ikaw ang Idol Ko,” “May Crush Ako sa `Yo” at iba pa.

Si Yolly ay pumanaw nung November 21, 1997 sa edad na 41 due to complications ng brain cancer.

Ang mag-asawa ay nag-iwan ng tatlong anak na sina Michael, Michelle at Miggy na ulila nang lubos sa kanilang mga magulang.

Nung gabi ng June 11 ay nagkaroon ng private viewing ang pamilya at mga kaanak ni Chito sa Felicidad Chapel ng Arlington Memorial Chapels in Quezon City na sinundan ng cremation kahapon, June 12 ng 11 a.m. Ang celebration of life and funeral service ay hanggang ngayong araw lamang ng Huwebes, June 13 until midnight.

Samantala, it was in July 30, 2023 nang punamaw ang youngest brother ng Ilacad brothers na si Art Ilacad, original member (drummer) ng grupong The Boyfriends na siya namang nagpasikat ng mga awiting “Dahil Mahal Kita,” “Sumayaw, Sumunod,” “Salawahan,” “First Love (Never Dies” among others.

The family and relatives of Art Ilacad will be commemorating his first death anniversary sa darating na July 30. On this day ay nakatakdang ilipat ang kanyang urn sa musoleo ng mga Ilacad sa Manila Memorial Park in Paranaque City kung saan din nakatakdang ilagak ang mga abo ng namayapang si Chito Ilacad.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa Pamilya Ilacad mula sa amin dito sa People’s Journal.

Ryan Christian kakaiba sa kapatid na si Luis

MARAMI ang naniniwala na papasukin ng bunsong kapatid (sa ina) ni Luis Manzano na si Ryan Christian Recto ang larangan ng pulitika more than showbiz na kinabibilangan ng kanyang ina, ang Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto maging ang kanyang nakatatandang kapatid na si Luis Santos Manzano.

Although mahilig sa music si Ryan (28), mas sa pulitika ang leaning nito na hindi naman kataka-taka dahil sa politican lineage ng kanyang amang si Finance Secretary Ralph Recto.

Matagal na ring napapabalita ang pagpasok umano sa pulitika ni Luis pero hindi ito natutuloy dahil sa rami nitong commitments sa showbiz bilang TV host, celebrity endorser and entrepreneur.

Although parehong `people person’ ang magkapatid na Luis at Ryan, mas lamang si Ryan sa larangan ng pulitika than showbiz na teritoryo naman ng kanyang Kuya Luis.

Since malapit na ang midterm elections, may mga lumulutang na balita na malamang asintahin ni Ryan ang pagiging governor ng Batangas (na parehong hinawakan noon ng kanyang parents na sina Sen. Ralph at Vilma Santos-Recto) o di kaya bilang kinatawan ng isang distrito ng Batangas, particularly Lipa habang mas kumportable naman sa showbiz si Luis.

Dahil sa suporta ng kanyang parents at ng kanyang Kuya Luis, hindi malayong maluklok sa puwesto si Ryan sa isang taon.

Albie nag-post ng tungkol sa anak

AlbieAlbie1ALTHOUGH nung April 28, 2024 pa isinilang ang first baby (boy) ng actor na si Albie Casino, it was only recently nang ito’y kanyang i-share sa kanyang Instagram account.

The baby boy na pinangalanang Roman Andrew ay anak niya sa kanyang non-showbiz partner na nagngangalang Michelina.

Although nag-circulate na earlier ang pagkakaroon umano ng anak ni Albie, hindi nito kinumpirma ang balita until lately nang siya mismo ang mag-post sa kanyang IG account.

Ang Kapamilya actor ay nasangkot sa isang malaking kontrobersiya nung taong 2011 na may kinalaman sa kung sino ang tunay na ama ng panganay na anak ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann na si Ellie (his ex-girlfriend) na ang tunay na ama pala ay ang actor na si Jake Ejercito. Na-clear man ang pangalan ni Albie ay sobra namang nag-suffer ang kanyang career pero muli siyang nakabawi at in-demand ngayon sa mga character roles na ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN at Viva Films.

Ngayong isa nang ganap na ama si Albie, tiyak na mag-iiba na ang priorities nito ngayon sa buhay bukod sa kanyang trabaho bilang actor.

Joshua hindi na itinatago ang bagong karelasyon

MUKHANG hindi na itinatago ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang kanyang relasyon sa non-showbiz partner, ang French-Filipino athlete na si Emillienne Vigier who celebrated her 26th birthday recently in the presence of Joshua at mga kaibigan nito.

Noong isang taon pa napapabalita ang relasyon nina Joshua at Emillienne pero parehong tahimik ang dalawa pagdating sa usaping ito. But action speaks louder than words kaya marami ang naniniwala na si Emillienne na umano ang bagong inspirasyon kasintahan ng Kapamilya actor.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE