
Cancer patient nakitang patay sa Pasig River
ISANG cancer paient ang pinaninwalaang tumalon sa Ilog Pasig malapit sa Kalahi St., Punta, Sta. Ana, Maynila noong Biyernes
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, huling nakitang buhay si alias Daisy, 61, alas-10:00 ng gabi noong Huwebes habang kumakain.
Dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes nang mapansin ni Larry Sebastian, asawa ng biktima, na wala na ito sa kanyang higaan.
Dahil hindi na mahagilap, nag-post sa social media ng missing person si Larry.
Ilang minuto lang ang nakalilipas, may tumawag na kay Larry na isang kaibigan at sinabing natagpuan ang bangkay ng kanyang misis.
May intestinal cancer ang biktima at nakatakda sanang sumailalim sa operasyon ngayong Marso, ayon sa kanyang mister.
Sa kabila nito, nagi-imbestiga pa rin ang pulisya habang hinihintay ang resulta ng autopsy sa labi ng biktima.