DPWH Si DPWH Secretary Mark A. Villar, kasama si MPCALA Holding Vice President for Tollways Development and Engineering Art Monge nang personal na inspectionin ang matatapos ng Sub Section 5 CALAX, Silang East interchange. Photo courtesy ng CALAX

CALAX Subsection 5 ininspeksyon

May 11, 2021 Jun I. Legaspi 682 views

ININSPEKSYON ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark A. Villar, kasama ang mga executives mula sa MPCALA Holdings, Inc. (MCHI) ang isinasagawang CALAX Subsection 5 na itinatayang mabubuksan sa mga motoristo sa ikatlong bahagi ng taong 2021.

Ang Calax Subsection 5 ay isang 7.2km, 2×3 lane expressway na magkokonekta sa Sta-Rosa Tagaytay Road patungong Silang, Cavite. Sa oras na mabuksan sa publiko, ito ay inaasahang magbibigay serbisyo sa halos 5,000 sasakyan kada araw, na makatutulong sa pagbawas ng dumadaloy na trapiko sa kahabaan ng Governor’s Drive, Aguinaldo Highway at Sta. Rosa-Tagaytay Road.

Sa drive-through inspection na isinagawa ng DPWH at MPCALA, makikita ang mga toll structures na nakatayo na para sa bubuksang Silang East Interchange habang patuloy ang ilang miscellaneous works para sa paniniguro ng kalidad ng kalsada at kaligtasan ng mga motorista na gagamit nito.

“I am very pleased that despite the mobility challenges brought about by the pandemic, construction for CALAX Subsection 5 remains on track and would soon be made available to motorists in the third quarter of 2021. It is a vital portion of CALAX that would help accelerate economic progress of Region IV-A, as it links the two provinces of Cavite and Laguna,” aniVillar.

Dagdag pa ni MPCALA President and General Manager, Robert V. Bontia , sa kasalukuyan 94% ng CALAX Subsection 5 ay kumpleto na. Tulad ng DPWH inaasahan din nila na makatutulong ang pagbubukas nito sa lalong paglago ng ekonomiya sa rehiyon.

Bukod sa Subsection 5, kasabay na isinasagawa ng MPCALA at DPWH ang 2.8 kilometer Subsection 4 ng CALAX na mayroon ng 18.3% construction progress. Ito ang magdurugtong sa isinasagawang Silang East Interchange tungong Aguinaldo Highway. Ito ay itinatayang mabubuksan para sa mga motorista sa taong 2022.

“DPWH continues to exert full effort in the acquisition of right-of-way for all the remaining segments to be able to deliver the project by the end of 2022”, dagdag ni Villar.

Sa kasalukuyan, ang mga operational segments ng CALAX ay mula Mamplasan hanggang Sta. Rosa, Laguna at nagbibigay serbisyo sa halos sampung libong sasakyan kada araw.

Ang CALAX ay magkokoneta sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex) mula Kawit, Cavite patungong South Luzon Expressway (SLEX) at Greenfield (Mamplasan) Interchange sa Biñan, Laguna. Oras na matapos ang CALAX, ito ay hahaba ng 45-kilometro at magkakaroon ng walong (8) interchanges sa mga sumusunod na lugar: Kawit, Governor’s Drive, Open Canal, Silang (Aguinaldo) Highway, Silang East, Santa Rosa-Tagaytay, Laguna Boulevard, at Laguna Technopark. Tinatayang aabot sa 45,000 sasakyan ang maseserbisyohan ng CALAX at kaya nitong mapaikli ang travel time mula sa Cavite patungong Laguna ng hindi bababa sa isang oras.

Bukod sa CALAX, hawak din ng MPTC ang concession rights ng Cavitex, C5 Link Expressway, North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

AUTHOR PROFILE