
Bus timers ikinabit ng DOTr, MMDA sa 13 istasyon ng EDSA busway
IKINABIT ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector, sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga bus timers sa labing-tatlong istasyon ng EDSA Busway at binuksan upang magamit noong Setyembre 21, 2022.
Ang mga ito ay nasa sumusunod na mga istasyon:
1 Monumento MCU
2 Bagong Barrio
3 Balintawak
4 Muñoz
5 North MRT Station
6 Quezon Avenue MRT Station
7 Q-Mart
8 Main Avenue
9 Ortigas MRT
10 Guadalupe MRT
11 Buendia
12 Taft Avenue
13 Roxas Boulevard
Bawat bus timer ay mayroong tatlong aspects signal lantern na may two-digit timer, pole, at lighting. Mayroon din itong traffic signal local controller na may kasamang detector card at loop detectors.
Nakalaan ang 30-second maximum time para sa bawat bus unit na magsasakay at magbababa ng pasahero sa mga nasabing istasyon. Awtomatiko namang marereset ito sa pagdating ng kasunod na bus. Maaari pa ring i-calibrate ang mga bus timer at baguhin ang maximum time base sa rekomendasyon ng Inte-rAgency Council for Traffic (i-ACT) at MMDA.
Ang pagkakabit ng mga bus timer ay naglalayon na mapadali at mas maisaayos ang sistema ng pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa EDSA Busway.