MPD

Kelot na ‘siga’ tiklop sa mga pulis-Maynila

September 22, 2022 Jonjon Reyes 202 views

NAGSISISIGAW umano at armado ng patalim ang isang “sigang” 28-anyos na kaanib diumano ng “Sputnik Gang”, habang nasa gitna ng kalsada sa panulukan ng Leveriza at Quirino Avenue, Malate, Maynila madaling araw nitong Martes.

Ang suspek ay pawang residente ng San Andres St., Malate.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 9, bandang 4:00 ng madaling araw nang maganap ang kaguluhan sa nasabing lugar.

Ayon kay PCMS Emmanuel Parungao, may hawak ng kaso, ilang concerned citizen ang nagtungo sa nasabing presinto para ireklamo ang panggugulo ng suspek at binanggit na armado ito ng patalim at nagsisisigaw umano ito sa gitna ng kalye na tila naghahamon ng away.

Dahil dito, agad na rumesponde sina Pat. Ronnel Melacotones at Pat. John Basti Vertudes, kapwa naka-assign sa Roxas Boulevard Police Community Precinct (PCP) na sakop ng MPD Station 9.

Dito na nila nadatnan ang suspek na hawak pa ang patalim at naaktuhan din nila na nagsisigaw nga ito.

Dahil dito, agad nilang dinisarmahan ang suspek na hindi na nanlaban at nabawi ang kutsilyo.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa B.P. bilang 6 (lllegal Possession of Bladed Weapon) at Sec. 844, RO (Breach of Peace).

Pinuri naman ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon ang mga kapulisan ng MPD Malate Police Stn. 9 sa kanilang mabilis na aksyon na laging pinaiiral ang direktiba ni NCRPO chief, Gen. Jonnel Estomo ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” o SAFE.

AUTHOR PROFILE