Robert

Buhay ni Robert walang bahid ng iskandalo

August 11, 2023 Aster Amoyo 857 views

Robert1Robert2Robert3Robert4VETERAN and award-winning actor, director, dating contract talent ng Premiere Productions and former ABS-CBN news anchor Robert Arevalo (Robert Francisco Ylagan in real life ) has passed on last Thursday morning, August 10, 2023 at age 85 dahil sa kumplikasyon ng kanyang sakit na Parkinson’s disease.

Si Robert na anak ng yumaong actor at musician na si Tito Arevalo (Eustacio Ylagan) ay nagmula sa showbiz royalty being related to the late actor Jay Ilagan, the late award-winning director and National Artist Gerry de Leon, the late Sampaguita actress Liberty Ilagan, Ronaldo Valdez’ wife na si Baby (Maria-Fe V. Ilagan at mga anak nilang sina Janno Gibbs, Melissa Gibbs, among others.

He was married to former Sampaguita star Barbara Perez na kanyang pinakasalan nung August 11, 1962 at meron silang dalawang anak na babae, sina Anna at Gina.

“Robert Arevalo and Barbarra Perez are the most decent couple that Philippine movies ever produced. Their love affair was made in heaven. Both came from a good family, went to the best schools and both were awarded for being the best actor and actress of their generation. No major scandals. Their love for each other were made from heaven. They stayed together till death do they part!

You just have to respect the quality of their life and their love story will never be duplicated,” pagbabahagi ng dating matinee idol ng Sampaguita Pictures na si Roger Calvin sa kanyang FB account.

Robert started his showbiz career in 1960 nang kanyang gawin ang kanyang debut film na “Huwag Mo Akong Limutin” na sinundan ng historical fiction movie na “Noli Me Tangere” in 1961, “The Moises Padilla Story,” “Bangkay Kaming Hahakbangan,” “El Felibusterismo” in 1962, “Mga Leon sa Lasangan,” “Dahil sa Isang Bulaklak” in 1967 at marami pang iba. Nakagawa siya ng halos 100 pelikula at almost 30 TV programs and series.

Nang mag-reopen ang ABS-CBN nung 1986, nagkasama sila ni Mel Tianco as news anchors sa news bulletin na “Balita Ngayon” at sandali rin siyang nagging bahagi ng “TV Patrol” in 1987.

He was last seen sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” nung 2018. Ang iba pang seryeng kanyang kinabilangan incude “Munting Heredera,” “Magkaribal,” “May Bukas Pa,” “Tayong Dalawa,” “Maynila,” “Basta’t Kasama Kita,” “Valiente,” “Sa Dulo ng Walang Hanggan,” at ipa pa.

He received his first Best Actor trophy in 1965 mula sa FAMAS Awards para sa pelikulang “Ang Daigdig ng mga Api,” Best Supporting Actor mula sa Metro Manila Film Festival nung 1990 para sa pelikulang “Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan,” and another Best Supporting Actor trophy for “Pangako ng Kahapon” mula sa Film Academy Awards and Gawad Urian for “Hubad na Bayani” which he directed in 1977. He was also assistant director para sa pelikulang “Dahil sa Isang Bulaklak” in 1967.

Hindi na umabot ang actor sa kanilang 61st wedding anniversary ni Barbara as he passed on a day earlier on August 10.

Ang mga labi ni Robert ay nakaburol until today, Sunday, August 13 sa Arlington Memorial Chapels in Araneta Avenue, Quezon City.

Filmmakers Night idinaos ng FDCP

TirzoNAG-HOST ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairman at veteran actor na si Tirso Cruz II ng Filmmakers Night nung nakaraang Biyernes, August 10 sa Ernesto Bistro in Harbour Square, CCP Complex, Manila na dinaluhan ng mga veteran and young filmmakers tulad nina Laurice Guillen (pangulo ng Cinemalaya Film Festival), Joey Javier Reyes, Carlos Siguion-Reyna, Dan Villegas at marami pang iba. Namataan din namin doon ang actress and film producer na si Harlene Bautista kasama ang kanyang nobyong si Federico Moreno, na isa sa board members ng MTRCB, maging ang actor-comedian at dating Quezon City councilor na si Hero Bautista.

Aminado si Pip (Tirso Cruz III) na marami sa mga young filmmaker ang hindi pa niya kilala. Isa ito sa mga rason kung bakit nabuo ang Filmmakers Night. Chairman Pip stressed na malaki umano ang tulong sa FDCP ng mga film director sa pangunguna ng veteran and award-winning writer-director na si Joey Reyes para maisakatuparan ang maraming proyekto ng council na makakatulong ng malaki sa industriya.

Kylie at Pancho pasok sa ‘Voltes V’

PASOK sina Kylie Padilla at Pancho Magno sa “Voltes V: Legacy” series ng GMA.

Kylie will play the role of Arisa habang gaganap naman na Takeo si Pancho na miyembro ng Boazanian.

Tuwang-tuwa ang dalawang Kapuso actors sa kanilang inclusion sa hit series ng GMA na pinamanahalaan ni Mark Reyes.

JM may bagong pelikula kasama si Cesar, tahimik ang lovelife

CesarMAY bagong pelikula ang mahusay na actor na si JM de Guzman, ang “Selda Tres” kasama ng award-winning veteran actor, director at film producer na si Cesar Montano mula sa pamamahala ni GB Sampedro.

Si JM ay isa sa busiest Kapamilya actors. Bahagi rin siya ng primetime hit action-drama TV series na “Iron Man”. Kasama rin siya sa upcoming major primetime series na “Linlang” kung saan niya mga kabituin sina Paulo Avelino, Kim Chiu at Maricel Rosario. Kasama rin sa nasabing serye sina Jaime Fabregas, Vance Larena, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias (anak ni Herbert Bautista), ang PBB: Kumunity Season10 big winner na si Anji Salvacion at ang 2nd runner up ng Idol Philippines na si Kice. May movie rin siyang aabangan with Alessandra de Rossi, ang “What If” na mapapanood on Neflix on September 7.Ganoon ka-busy si JM who is Juan Miguel de Guzman.

Samantala, tila tahimik pa rin hanggang ngayon ang lovelife ni JM after his second break-up with actress Jessy Mendiola in 2013. The latter is now happily married kay Luis Manzano at meron na silang anak na si Isabelle Rose or Baby Peanut na isinilang nung January 30, 2023.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE