
“Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” ginanap sa Imus
IMUS, Cavite–Isang color run ang ginanap sa lungsod na ito sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Imus, Cavite na nagbigay-diin sa kahalagahan ng laban kontra sa iligal na droga.
Sa ilalim ng kampanyang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” noong Sabado, ginanap ang color run sa Vermosa Sports Hub na nilahukan ng humigit-kumulang 3,000 katao.
Dinaluhan ito ni DILG Secretary Benjamin C. Abalos Jr., Undersecretary Lord A. Villanueva, Regional Director Ariel O. Iglesia, Provincial Board Member Francisco Gabriel Remulla at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula.
Isang town hall meeting din ang ginanap sa New Imus City Government Center kasama ang 300 kinatawan ng mga sektor at grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tinalakay rito ang mga mahahalagang usapin tungkol sa ipinagbabawal na gamot gaya ng tungkulin ng relihiyong sektor sa laban kontra iligal na droga, epekto ng paggamit ng droga sa mga paaralan at akademya at kung paano nakakaapekto ang ilegal na droga sa sektor ng negosyo at sa ekonomiya.