Ernest Cu Binisita ni Globe President & CEO Ernest Cu ang ilang beneficiaries ng #BrigadangAyalaKaakay sa San Roque, Mandaluyong. “We’re very happy to be given this opportunity to assist more communities. Apart from the food supplies of Kaakay, Globe’s products and services have been a big help to the community,” ani Cu.

#BrigadangAyalaKaakay: Prepaid load business, nakatulong sa pagbangon ng mga sari-sari store

February 22, 2022 People's Tonight 388 views

SA loob ng dalawang dekada, ang tanging sandigan ng 60-taong-gulang na si Mary Magaling ay ang kaniyang sari-sari store sa San Roque Parish, Mandaluyong. Ngunit katulad ng ibang maliliit na negosyo, muntik na ring malugi ang tindahan ni Magaling dahil sa pandemya.

“Konting-konti nalang po, talagang magsasara na dapat ako,” saad ni Magaling. “Sobrang hirap po ng sitwasyon ngayon dahil walang panggastos ang mga tao.”

Malaking bahagi ng kabuhayan ni Magaling ang kaniyang sari-sari store. Dito rin siya kumuha ng pampaaral sa kaniyang tatlong pamangkin. Sa mga nakalipas na taon, nakapagbibigay rin siya ng suportang pang-pinansyal para sa kaniyang mga kaanak. Ngunit nang tumama ang pandemya, kinailangan niyang maghigpit ng sinturon upang mapagkasya ang kakarampot na kita.

“Ngayon po, kailangan ko nang humingi ng tulong sa aking mga kamag-anak sa probinsya,” dagdag ni Magaling. “Ayoko rin namang magsara dahil marami na akong suki na may trust na rin sa akin, at sa akin din palaging pumupunta kapag may kailangan sila.”

Mabuti na lamang at nakahanap si Magaling ng iba pang mapagkakakitaan nang pasukin niya ang mobile prepaid loading business. “Malaking tulong po ang Globe dahil kahit papano, nakakabenta po ako ng load sa mga nag-o-online classes kapag may pasok,” ani Magaling.

“Marami ring nagpapa-load sa akin para may pantawag sa mga pamilya nila na nasa ibang lugar,” pahayag ni Magaling. “Mabuti nalang mas marami nang nakakapag-Internet ngayong pandemic. Hindi gaano nahihirapan ‘yong mga nawalay sa pamilya.”

#BrigadangAyalaKaakay

Noong Pebrero 21, pinangunahan ni Globe President & CEO Ernest Cu ang pamimigay ng food packs sa Kaakay beneficiaries mula San Roque Parish sa Mandaluyong.

Ang #BrigadangAyalaKaakay ay isang 12-week food distribution program na naglalayong matulungan ang mahigit 10,000 na pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay makakatanggap ang bawat pamilya ng isang linggong supply na bigas, gulay, delata, at tinapay.

“Being on-ground with our customers and listening to their stories give us more insights on the everyday challenges they are facing especially during these times. The Kaakay program brings initial relief and assistance, progressing into a livelihood program which we hope will provide long lasting assistance to uplift their lives,” pahayag ni Cu.

“We’re very happy to be given this opportunity to assist more communities. Apart from the food supplies of Kaakay, Globe’s products and services have been a big help to the community, from children who are learning from home to senior citizens who find strength in constantly connecting with their families online,” dagdag ni Cu.

Samantala, nagpasalamat naman si Magaling sa Globe dahil sa patuloy nitong pag-aasikaso at pagmamalasakit sa mga maliliit na business owners katulad niya.

“Nagpapasalamat po ako sa Globe, lalo na iyong mga representatives nila na bumibista sa aking tindahan. Palagi silang nariyan tuwing kailangan ko ng tulong sa loading business ko. Mababait sila, madaling kausap, at maaasahan. Ramdam ko na may malasakit sila sa akin,” pagtatapos ni Magaling.

AUTHOR PROFILE