
Bong Revilla sure win sa Sorsogon
NAKUHA ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang suporta ng Sorsogon sa kanyang pagbisita nitong Huwebes ng umaga.
Mainit na tinanggap ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero, na tubong Sorsogon, kasama sina Governor Boboy Hamor at Vice Governor Jun Escudero, si Sen. Revilla sa kanyang pagtungo sa lalawigan upang mangampanya.
Maging sina Kinatawan Dette Escudero, Wowo Fortes, at lahat ng mga alkalde, bise alkalde, miyembro ng sangguniang panlalawigan, at mga konsehal mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ay naglahayag din ng suporta at kasiyahan sa pagtungo sa kanilang lalawigan ng Senador.
Bilang patunay ng pagkakaisa at suporta, nangako ang mga lider ng Sorsogon na ipapanalo si Senador Bong Revilla sa lalawigan, bilang pagkilala sa kanyang tuloy-tuloy na pagsusumikap na iangat ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang serbisyong publiko na kilala bilang “Aksyon sa Tunay na Buhay”.