
Bong Revilla, Agimat Partylist landslide victory pangako ng mga alkalde sa Cavite
NAGPAKITA ng lakas at pagkakaisa sa pulitika ang mga alkalde ng mga bayan at lungsod ng lalawigan ng Cavite upang ipahayag ang kanilang buong suporta sa muling pagtakbo ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at ng AGIMAT Partylist.
Lahat ng 23 punong lungsod at bayan ay nagkaisa ng kanilang suporta sa kapwa nila Caviteño na si Sen. Bong Revilla at Rep. Bryan Revilla, kasabay ng pangakong ihahatid ang isang landslide na tagumpay para sa dalawa sa nalalapit na halalan.
Ang Cavite, na ikalawang lalawigan sa bansa na may pinakamaraming botante, ay may kabuuang 2,447,362 rehistradong botante para sa Pambansa at Lokal na Halalan sa 2025.