Bong Go

Bong Go sa Linggo ng Pagkabuhay: ‘Wag mawalan ng pag-asa, tiwala sa sarili

April 9, 2023 People's Tonight 217 views

SA paggunita ng bansa sa Linggo ng Pagkabuhay, sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na naniniwala siya na sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na dinanas ng bansa nitong mga nakaraang taon, may dahilan para maging optimistiko sa hinaharap.

“Easter Sunday reminds us that no matter what we are going through, there is always hope. We must never lose faith in ourselves and in the goodness of others.nLet us remember that we are all in this together, and that by working together, we can overcome any obstacle,” ani Go.

Hinikayat ni Go ang mga Pilipino na kumuha ng inspirasyon mula sa kuwento ng muling pagkabuhay at hawakan nang mahigpit ang kanilang pananampalataya at mga pinahahalagahan.

“Let us never lose sight of what is truly important in life: our faith, our families, and our communities. These are the things that sustain us in times of difficulty and give us hope for the future,” anang senador.

“Magtulungan tayo, magdamayan tayo, magmalasakit tayo sa isa’t isa, at magtiwala tayo sa Diyos. Sa tulong ng lahat, kayang-kaya nating malaman ang anumang pagsubok,” dagdag niya.

Samantala, patuloy na isinusulong ng senador ang pagpasa sa kanyang mga panukalang batas na naglalayong makamit ang inclusive economic recovery para sa mga Pilipino sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic at iba pang krisis.

Kabilang dito ang Senate Bill No. 1594, na iniakda at co-sponsored ni Go.

Ang panukala ay naglalayong ma-institutionalize ang One Town, One Product Philippines Program at magsisilbing stimulus program ng gobyerno upang hikayatin ang paglago ng micro, small, and medium enterprises sa bansa sa pamamagitan ng mga katutubong raw materials, lokal na tradisyon, at kultura sa buong bansa.

Muling ipinakilala ni Go ang SBN 1182 o ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery Act na layong palakasin ang kapasidad ng mga institusyong pampinansyal ng pamahalaan na magbigay ng kinakailangang tulong pinansyal sa MSMEs, at iba pang kumpanya.

Ipinunto ni Go na ang panukalang GUIDE Act ay kabilang sa mga priority measures na binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang State of the Nation Address (SONA).

Ipinaliwanag ni Go na ang mga panukalang batas na ito, kung maipapasa, ay hindi lamang lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino kundi magpapaunlad din sa mga pinagkukunan ng kabuhayan at magbibigay ng mas magandang seguridad sa trabaho.

AUTHOR PROFILE