Default Thumbnail

Bomb threat sa BSU nagresulta sa panic

February 26, 2024 Jojo C. Magsombol 138 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Balot ng tensyon ang Batangas State University (BSU) dahil sa bomb threat noong Sabado, ayon sa report na natanggap ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Alas-10:40 ng umaga ng makatanggap si PSSg. Jaypee Ilagan, duty radio operator ng Batangas City Police Station, ng text na nagsasabi na: “sa lahat pong makaka-receive ng message na ito ay may itinanim pong high performance bombs sa maraming parte ng batangas state university ngayong umaga. Ipinag utos po ito ng isang mataas na tao dito sa Batangas City.

Ito po ay isang paalala lamang na hindi dapat ipagsawalang bahala. Mangyari pong mag iingat po tayong lahat.

Sa anuman pong oras ay sasabog ang mga bombang ito ngayong araw o sa mga susunod pang mga araw mag ingat po tayong lahat.”

Nagmula kay Nikki Boy Manalo, kinatawan ng Command Operation Center ng Batangas State University, ang text info kaya humihingi ng tulong sa pulisya ang paaralan.

Nang matanggap ang nasabing ulat, tumuloy sa main campus ang isang team sa pangunguna ni PLt. Col. Shamgar G. Valdez, Officer-in-Charge ng istasyong ito.

Humingi ng tulong ang Batangas City police sa Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit (PECU) Batangas at kasalukuyang nasa proseso ng paneling na pinamumunuan ni PMSg Melanio James P. Magpantay.

AUTHOR PROFILE