Default Thumbnail

Bohol rape suspect arestado sa QC

May 4, 2021 Melnie Ragasa-limena 305 views

Nadakip ng mga awtoridad ang itinuturing na No. 1 Most Wanted Person ng Candijay, Bohol Municipal Police Station dahil sa kasong statutory rape sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Antonio Yarra ang naaresto na si Alejandro Lacar, 56, pedicab driver at residente ng 26 Huna St., Sitio San Roque 2, Bgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Ayon kay Masambong Police Station (PS 2) Station Commander PLtCol Ritchie Claravall, si Lacar ay naaresto sa kanyang tahanan dakong alas-9:20 ng gabi (May 3), ng pinagsanib na puwersa ng Masambong Police Station, Bohol Police Provincial Office-Candijay Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), District Special Operations Unit (DSOU) at Project 6 Police Station (PS 15).

Hindi na umano nakapalag pa ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ni JudgePatsita Sarmiento-Gamutan, ng Branch 51, Regional Trial Court, Carmen, Bohol, dahil sa kasong statutory rape.

Nakapiit na si Lacar at walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya.