Default Thumbnail

Boga, pampasabog nadiskubre sa Laguna

May 13, 2024 Gil Aman 101 views

NADISKUBRE ng mga pulis ang matataas na kalibre ng mga baril at pampasabog na ibinaon sa pagitan ng puno ng narra sa Brgy. San Buenaventura, Luisiana, Laguna noong May 12.

Sa pinagsanib na operasyon ng 4th Maneuver Platoon, 1st Laguna Provincial Mobile Force Company, narekober ang mga baril, bala at pampasabog na ibinaon ng hindi pa matiyak na grupo o criminal gang.

Kabilang sa nahukay ang isang improvised shotgun, dalawang non blasting cap, time fuse na 1 metro ang haba, detonating cord na 2 metro ang haba, dalawang rounds ng 40mm (M203) grenade, 20 cartridges ng 5.64 mm at 1 black electrical tape.

Natuklasan ang mga baril at explosives dahil sa sumbong ng informants sa pulisya.

Nakalagay sa malaking sako ang mga baril at explosives noong dakong ala-1:55 ng hapon.

AUTHOR PROFILE