Default Thumbnail

BOC pinarangalan ng Nike!

June 21, 2023 Vic Reyes 217 views

Vic ReyesDAHIL sa haba ng ating coastlines at dami ng mga isla sa Pilipinas (mahigit na pitong libo) ay imposibleng matigil ang iligal na pagpasok ng imported goods sa ating bansa.

Ginagawa naman lahat ng ating gobyerno, sa pamamagitan ng Bureau of Customs (BOC) at partner agencies, para matigil o mabawasan ang insidente ng ismagling.

Pero talagang kulang na kulang pa rin ang Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Bievenido Y. Rubio, ng manpower resources at kagamitan.

Sa totoo lang, nakadepende ang BOC sa tulong ng sea assets ng Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP).

Iilan lang ang patrol boats ng BOC at talong-talo pa sila ng mga mabibilis na watercraft na gamit ng mga ismagler.

Gayun pa man, nakakukumpiska pa rin ang BOC, sa tulong ng partner government agencies, ng maraming kontrabando na kinabibilangan ng mga pekeng sigarilyo.

Sa tingin nga natin, malaki ang nagagawa ng mga opisyal at tauhan ng Intelligence Group (IG) para matumbok ang kinaroroonan ng mga kontrabando sa bansa.

Kamakailan lang ay pinarangalan ng Nike Asia Pacific Brand Protection Team ang BOC.

Iginawad ng kilalang Nike ang karangalan dahil sa “exceptional efforts (of BOC) in apprehending and seizing P1.56 billion worth of counterfeit Nike footwear.”

Ang mga tumanggap ng parangal ay sina Commissioner Rubio, IG Deputy Commissioner Juvymax Uy and Intellectual Property Rights Division Chief Paul Oliver Pacunayen.

Ipinangako ni Rubio na patuloy nilang palalakasin ang kampanya laban sa “counterfeiting activities and ensuring the enforcement of intellectual property rights (IPRs).”

Nagpasalamat naman si Depcom Uy sa Nike sa pagkilalang iginawad nito sa BOC, pero sinabi niya na ang parangal ay magsisilbing motibasyon sa ahensya para ituloy ang kampanya.

Sinabi naman ni Director Vernie Enciso na may mga grupo na gustong gawing “haven ng counterfeit goods” ang Pilipinas.

“We will stand in their way and put all measures to stop their modus,” dagdag pa ni Director Enciso.

Huwag natin kalimutan na talagang iba’t-ibang counterfeit o pekeng produkto, kabilang na ang sigarilyo, damit, bag, household appliances, ang nakakapasok sa bansa.

Dahil mas mura kumpara sa ibang produkto, ang mga pekeng goods ay paboritong bilhin ng marami nating kababayan kahit na alam nilang mga iligal ito.

Kahit anong kampanya ng gobyerno na huwag tangkilin ang mga pekeng produkto ay walang magawa ang marami dahil sa sobrang kahirapan.

Hindi rin natin masisisi ang mga taong ito dahil talaga namang mas mahal ang mga genuine na produkto kumpara sa mga “counterfeit imported goods.

Kaya naman siguro ayaw tumigil ang mga ismagler dahil marami pa rin ang tumatangkilik sa mga kontrabando.

Pero naniniwala tayo na unti-unti ding mare-realize ng taumbayan na hindi tama ang pag-patronize sa mga pekeng produkto.

***

Sa isang buwan ay bakasyon na ng mga batang nag-aaral sa elementarya at haiskul.

Dati ay mga huling linggo ng Marso ay tapos na ang pasukan ng mga nag-aaral sa public elementary at high school sa buong bansa.

Abril at Mayo naman ang summer vacation. Pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon, ay simula naman ang bagong school year sa una o pangalawang linggo ng Hunyo.

Dahil sa mahigit dalawang taong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay nabago ang school calendar.

Pero ngayon marami na ang nananawagan, kabilang na ang mga mag-aaral, magulang at guro, na ibalik sa dati ang school calendar.

Tama naman ang panawagan. Marami ang batang nagkakasakit dahil sa sobrang init sa loob ng school rooms dahil sa paglala ng climate change sa buong mundo..

Iba na ang init na nararamdaman sa mga buwan ng Abril at Mayo sa maraming parte ng mundo, kabilang na ang Pilipinas, dahil sa palalang global warming.

Ang problema lang, paano maibabalik ang dating school calendar, eh sa isang buwan (Hulyo) pa matatapos ang mga klase.

Sana may makitang win-win solusyon sa problema.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #09178624485/email:[email protected]. ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE