
BOC, pinarangalan ng COA
MARAMING nagsasabi na ang Bureau of Customs (BOC), na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tinatawag na “graft-prone.”
Pero alam niyo ba na noon lang Hulyo 14 ay tinanggap ng ahensyang ito ang “highest financial audit opinion” mula sa makapangyarihang Commission on Audit (COA).
Iginawad ng COA ang karangalan sa BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Batac City, Ilocos Norte, “for its financial statements in 2022.”
Ang “unqualified opinion” ng COA auditors, “conclude that the financial statements are prepared…in accordance with the applicable financial reporting framework.”
Sa isang pahayag ay sinabi ni Commissioner Rubio na “COA’s unqualified opinion shows BOC’s full compliance to International Public Sector Accounting Standards.”
“After more than two decades, we have been recognized for our audit compliance,” Rubio said.
Dahil dito ay pinapurihan din ni Commissioner Rubio, isang dating intelligence officer, ang mga opisyal at tauhan ng BOC accounting division “for their attention to detail.”
Sa totoo lang, ayon kay Rubio, ito ay crucial para masungkit ng BOC ang pinakamataas na audit opinion mula sa COA.
Ayon pa kay Commissioner, malaki rin ang naitulong ng guidance at coordination ng BOC sa state auditors para magkaroon ng accountable and strong internal control.
“This recognition from the COA reinforces BOC’s unwavering commitment to transparency, accountability and responsible stewardship of public resources,” he added.
Nangako pa si Commissioner Rubio na ipagpapatuloy niya ang pagpapatupad ng tinatawag na responsableng “management ng public funds and resources.”
Sa tingin ng mga waterfront observer, kasama na ang mga journalist na nakatalaga sa aduana, ay napakahalaga nito para bumalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
Kailangan talagang maayos at responsable ang pangangalaga sa pera ni Juan dela Cruz.
Kung hindi ay patuloy na magdududa ang taumbayan kung saan napupunta ang hard-earned money ng gobyerno.
Hindi ba, Finance Secretary Benjamin Diokno at Budget Secretary Amenah Pangandaman?
***
Tama lang ang ginagawang inspeksyon ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t-ibang bodega o warehouses sa buong Pilipinas.
Dahil sa kakulangan ng manpower resources ng mga ahensya ng gobyerno, kasama na ang BOC, may nakalulusot na kontrabando sa bansa.
Isa pa, ang maraming isla sa bansa na puwedeng pagpasukan ng mga ismagler ng mga produktong hindi binabayaran ng buwis at taripa, na kagaya ng sigarilyo.
Nandiyan pa ang mga ipinagbabawal na gamot, partikular na ang shabu, cocaine, at kush o high-grade marijuana, at mga appliances.
Noon lang Hulyo 13, Huwebes, ay iba’t ibang imported goods ang nakita ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa ilang warehouses sa Marilao, Bulacan.
Nagkakahalaga ng mahigit P350 milyon ang halaga ng imported goods na galing China ang nadiskubre ng mga ahente ng BOC sa mga bodega sa Phil. Asia Pacific Realty Compound, Villarica Road sa Barangay Sta. Rosa 1, Marilao.
Ang inspeksyon sa mga bodega ay isinagawa ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)-Manila International Container Port (MICP) sa bisa ng isang Letter of Authority (LOA).
“The team inspected the warehouses and found them to contain used clothing o ukay-ukay, mosquito coils, IPR-infringing products and other imported smuggled goods,” said Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Sinabi naman ni CIIS-MICP chief Alvin Enciso na ang inspeksyon ay isinagawa in coordination sa Philippine Coast Guard, local police at barangay officials.
Ayon kay Depcom for Intelligence Group Juvymax Uy, ang mga bodega ay sinelyuhan at pansamantalang isinara.
****
Marami ang napapakamot na lang ng ulo dahil hindi nila maintindihan ang mga nangyayari.
Ang alam nila ay may El Nino ngayon, pero ilang araw ng umuulan at binabaha ang ilang lugar sa bansa.
Siguro hindi nila alam na kahit may El Nino phenomenon ay hindi rin mawawala ang pag-ulan-ulan, na makakabuti naman sa Metro Manila (MM).
Kung hindi ay baka lumala na ang nararanasang water crisis sa lugar at karatig pook bunga ng pagbaba ng water level sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Sa Angat Dam nanggagaling ang supply ng inuming tubig sa Metro Manila.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, nag-text #0917-8624484/email:
[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at trahan.)