Boc2

BOC nakumpiska P17M halaga ng smuggled na sigarilyo

December 19, 2023 People's Tonight 283 views

BocBoc1NAKUMPISKA sa joint operation ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao at Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ang nasa P17.025 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa South Cotabato kamakailan.

Ayon sa BOC-Davao nakumpiska ito ang 454 master cases na naglalaman ng 22,700 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na isinakay sa isang motorized banca sa Sultan Kudarat, South Cotabato noong Disyembre 3.

Mayroon umanong nakuhang intelligence report ang BOC kaya isang composite team ang binuo para hulihin ang bangka dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act dahil sa smuggling.

Ang anim na indibidwal na lulan ng bangka ay dinala sa Naval Intelligence Security Group (NISG) para sa isasampang kaso.

Pinuri naman ni BOC Commissioner Bien Rubio ang mga tauhan ng BOC at ang ahensyang nakatuwang nito sa operasyon sa kanilang pagbabantay laban sa smuggling.

Ang BOC Collection District XII na pinamumunuan ni Maita S. Acevedo, Officer-in-Charge (OIC), ay magpapatuloy umano sa kanilang gagawing pagbabantay alinsunod sa direktiba ni Commissioner Rubio.

AUTHOR PROFILE