Florencia Ibinigay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Regional 5 at Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) noong Peb. 28 ang check na nagkakahalaga ng P55,000 kay Florenia Radan, byuda ni Arnel Radan, isang namatay na Bantay Dagat volunteer sa Oas, Albay. Source: BFAR

Biyuda Bantay Dagat volunteer may P55K ayuda

March 12, 2024 Cory Martinez 256 views

TUMANGGAP ng P55,000 insurance claim ang byuda ng Bantay Dagat volunteer mula sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region V at Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC).

Ibinigay ang insurance claim kay Florenia Radan, na naulila ng kanyang asawang si Arnel Radan ng Oas, Albay. Namatay si Arnel noong Nob. 9 dahil sa atake sa puso. Naulila din ni Arnel ang anim na anak at 11 apo.

Ayon sa BFAR, ito ang kauna-kaunahang pagbibigay ng death benefit sa pamilya ng isang namatay na volunteer ng Bantay Dagat.

Pinursige ng BFAR at PCIC na ipatupad ang programa bunsod ng agarang hiling ng mga volunteer na mabigyan ang pamilya nila ng compensation sakaling anuman ang mangyayari sa kanila.

Sa pamamagitan ng Information and Fisherfolk Coordination Unit (IFCU) ng BFAR, pinursige nito na magkaroon ng pondo para sa isang taong coverage ng Bantay Dagat Insurance Program (BDIP) para sa unang batch ng deputized Bantay Dagat volunteers mula Nob. 6, 2023 hanggang Nob. 9, 2024.

Ayon pa sa BFAR, mayroong 3,545 Bantay Dagat volunteers ang nabigyan na ng medical assistance o na-enrol sa ilalim ng death benefit program na may P50,000 insurance kada benepisyaryo.

Nanggaling ang pondo dito sa bahagi ng Fisheries Management Fund.

Pinalawig ng BDIP ang Agricultural Producers Protection Plan (AP3) ng PCIC kabilang dito ang pagbibigay ng insurance sa mga magsasaka, mangingisda at ibang manggagawa sa sektor ng agrikultura. Kabilang dito ang death due to death, natural causes, o kaso ng pagpatay.

AUTHOR PROFILE