
Biyayang pamasko
Naghatid ng biyayang pamasko sa halos 400 katao si Solomon “Ka Sol” Jover sa taunang tradisyon ng pamamahagi ng bigas, groceries at cash mula sa ALEE Rendering Facility at SLSJ Trucking Services, kasama sina Emmanuel Guma Felix, Annie Villano, at Edna Bernardo na ginanap sa Gulod, San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.