Gwen

BINI Gwen naghimutok sa invasion ng privacy

August 14, 2024 Vinia Vivar 898 views

“Nakakalungkot, palala na (nang) palala.”

Ito ang hinaing ni BINI Gwen kahapon sa X (dating Twitter) patungkol sa fans nila.

Sa sumunod niyang tweet ay ikinuwento ng miyembro BINI ang ginawa ng fans na kumatok pa sa room nila para makapagpa-picture.

Ayon kay Gwen, sana naman ay irespeto ang kanilang privacy.

“I really hope everyone respect people’s privacy ‘yung personal time we’re trying to adjust eh kase wala ganon na talaga, pero kahit privacy na lang,” aniya.

Ayon pa sa member ng Pinoy Pop girl group, hangga’t maari ay talaga namang pinagbibigyan nila ang fans na nagpapa-picture pero ‘wag naman daw sa puntong kumakatok pa sa kwarto nila.

“We appreciate your love and support and we always try na mapagbigyan kayo sa pagpapicture but pleasee… not to the point you’ll go knock our rooms just for picture. Thank you,” aniya.

Sa comment section ay nagpahayag din ng simpatiya ang ibang Blooms (BINI’s fandom) at ikinalungkot din nila ang ginagawa ng kapwa-fans.

“Nakakalungkot yung ganyan experience nyo Gwenny. I hope people will learn how to respect one’s privacy nakaka bahala yung ganito eh, and nakakapagtaka how did they know your room numbers, this should be not given to anyone ng basta basta,” komento ng isang fan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na na-invade ang privacy ng girls ng fans na nais makalapit at makapagpa-picture sa kanila.

Tulad ng nangyari kina Maloi at Aiah kamakailan na habang kumakain kasama ang pamilya ay sinugod ng fans para makapagpakuha ng picture.

AUTHOR PROFILE