Bong1

Sen. Bong tumayong magulang ni Congw. Lani sa graduation

August 14, 2024 Ian F. Fariñas 284 views

LaniCongratulations sa mag-iinang Congresswoman Lani Mercado-Revilla at mga anak niyang sina Rep. Bryan at Rep. Jolo Revilla, sa pag-graduate nila sa La Salle Dasmarinas sa kursong Master in Sustainable Leadership and Governance.

Sabi ni Cong. Lani, kahit nasa public service na dapat ay patuloy pa rin sa pag-aaral.

“Hindi naman kasi talaga tayo abogado. Hindi naman tayo ‘yung may kaalaman sa paggawa ng mga batas, kasi legislative ang ating trabaho bilang isang kongresista. So, kailangang mag-aral.

“Pumasok tayo sa Ateneo for masteral courses, pero hindi ko lang natapos ‘yung sa Ateneo because I had to leave, dahil may trabaho. First term ko nu’n sa Congress.

“‘Eto, natuto ako. Nag-offer ang De La Salle Dasmariñas sa amin ng kursong ito, because this is Sustainable Governance sa De La Salle Dasmariñas.

“Mapalad tayo dahil nabigyan pa tayo ng parangal,” aniya pa.

Pinarangalan din si Congw. Lani ng medal ng Highest Distinction na ang mister niyang si Sen. Bong Revilla ang nagsabit sa kanya.

Parang si Sen. Bong lang ang magulang niya na sobrang proud sa na-achieve ng kanyang asawa.

“Alam mo namang ulilang lubos ako. At ‘yung mga panahong nag-aaral ako, si Sen. Bong siyempre, kumbaga, ang umintindi, umunawa. Alam naman niya ‘yung hangarin ko. Na mahilig talaga akong mag-aral,” ani Congw. Lani.

“So, talagang nakasuporta ‘yung mga anak ko. ‘Pag nandiyan ako, they’re giving me space, they’re giving me time, they share all the responsibilities.

“Alay ko na rin sa mga anak ko, sa mga apo ko, aside from my constituents.

“So, proud ako na si Sen. Bong ang nag-alay ng medal na ‘yan. Bahagi naman talaga siya ng aking buhay,” dagdag na pahayag ni Congw. Lani.

AUTHOR PROFILE