Kulong Himas rehas ang suspek na walang habas na nagpaputok ng baril matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD PS6 sa Sta Ana, Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

Binata dinampot dahil sa putok

June 5, 2024 Jonjon Reyes 71 views

ISANG 28-anyos na binata ang nabitag sa kamay ng mga operatiba ng Manila Police District, makaraang inguso ng mga barangay official dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Raduim Street,Barangay 775, San Andres Bukid, Manila, Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek sa alyas Toper, walang trabaho, ng Dagonoy Street, San Andres Bukid.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng MPD, Sta Ana Police Station 6, bandang 11:15 ng gabi nang humingi ng saklolo ang punong barangay at mga tanod ng Dagonoy PCP-MPD hinggil sa suspek na naaresto agad.

Dinisarmahan ang mga pulis ang suspek bago dinala sa presinto at isinailalim sa medical checkup.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11926 (Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms) aytR.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) ang binata.

AUTHOR PROFILE