Crime rate pababain pa—PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine National Police na pababain pa ang bilang ng krimen sa bansa.
Ayon sa Pangulo, nakatutuwa ang ulat ng PNP na bumaba ang bilang ng crime index.
“Well, first of all, very encouraging itong index crimes natin. Perhaps we can work a little bit doon sa lahat ng figures for those crimes. Well, most of them are going down. Medyo kailangan lang natin tingnan and see what are the underlying reasons na hindi pa masyadong bumababa,” pahayag ni Pangulong Marcos sa ikalawang PNP Command Conference sa Camp Crame, Quezon City.
“But everything has gone down. Theft has gone down, rape has gone down pero mataas pa rin, mataas pa rin ‘yung rape. Other index crimes and all of them are more or less — at least we can say that we are doing better than we were before,” dagdag ng Pangulo.
Pinatutukan naman ni Pangulong Marcos ang paglaban sa mga kaso ng cybercrime.
“We will improve our capability. Nagulat nga ako they don’t have a server. Kaya’t mahirapan talagang proteksyonan kung hiwa-hiwalay. Although there’s also an element of security ‘yung standalone,” dagdag ng Pangulo.
“Because that would require so much for effort and the technology that will be there, pati hardware diyan magiging tama ‘yan, ‘yung sa cybercrimes. We’re improving the rate at which we are able to take the crime, and we are able to prosecute those who are implicated in those crimes,” dagdag ng Pangulo.
Kahit na walang central database natutugunan pa rin aniya ng PNP ang cybercrimes.
Kuntento naman si Pangulong Marcos sa paglaban ng PNP sa illegal na droga kung saan nasa 321 tonelada ang nakumpiska sa nakalipas na limang buwan ngayong 2024.
“But I think that also is another very good deterrent factor na talagang hinuhuli natin ‘yung — nagre-raid tayo, nakakahanap tayo ng mga drug bearer. ‘Yung pinagtataguan ng drugs, ‘yun ang talagang kailangan nating gawin. I-raid natin nang i-raid so the availability of drugs is lesser. And that will improve the situation for the police and, of course, for our people,” dagdag ni Pangulong marcos.
Sa ulat ng PNP sa Pangulo, bumaba ang crime index ng 8.264 percent, mula sa 204,557 noong July 2022 hanggang May 2023 ay naging 187,652 na lamang ito mula July 2023 hanggang May 31, 2024.
Umabot sa 60 percent mark ang crime solution efficiency.