
Binata di na tatanda matapos itumba
ISANG 28 anyos na binata ang namatay matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang gunman madaling araw ng Martes sa Simoun St., Tondo, Manila.
Nakilala ang biktima na si Jan Marini Cruz, ng Simoun St., Tondo.
Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Kevin Zuñiga kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 5:45 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima sa tapat ng kanyang bahay
Nagawa pang maisugod ng mga kaanak ang biktima sa Tondo Medical Center bandang 6:23 a.m. pero ideneklarang dead on arrival ni Dr. Ezexiel Evangelista.