Default Thumbnail

Binata arestado sa loob ng MCJ dahil sa baril na may bala

December 8, 2021 Francis Naguit 240 views

HINDI pa man natatapos ang kaso ng isang 23-anyos na binata, isinilbi sa kanya ang warrant of arrest ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong pagdadala ng baril na may bala Martes ng gabi sa loob ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta.Cruz , Manila.

Kinilala ang suspek na si Gerald Waters, residente ng BS 52 C2 Capulong St. sa Brgy 108,Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt.Col. Paul Jady Dones, MPD-Station 12 commander,sinerve ng kanyang mga tauhan ang arrest warrant na inisyu ni Judge Rosalyn Mislos – Loja, ng Regional Trial Court Branch 41 na may petsang Disyembre 3, 2021 ng taong kasalukuyan sa loob ng Manila City Jail bandang 6:45 p.m.

Si Waters ay nasa sa talaan ng MPD ng most wanted persons at may nakalaang piyansa sa halagang P180,000. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE