Binaril END OF THE ROAD–Dead-on-the-spot ang biktimang ito ng pamamaril sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Binaril sa tomaan, todas

May 16, 2024 Jonjon Reyes 140 views

TODAS ang 29-anyos na lalaki ng barilin sa ulo habang nakikipag inuman sa Brgy. 152, Tondo, Maynila noong Miyerkoles sa tabi ng riles ng tren.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Belen ng Juan Luna St., Brgy. 163, Tondo.

Isang alyas Buboy ang itinuturong bumaril at pumatay sa biktima bandang alas-11:15 sa lugar na sakop ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7.

Base sa ulat ng pulisya, walang kaabog-abog ng barilin sa ulo ang biktima habang nakikipag-inuman kasama ang dalawa pa.

Nakatakas ang salarin, ayon sa imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE