Default Thumbnail

BFAR director Gongona, “pumalag” din sa Senate report

July 8, 2022 Paul M. Gutierrez 284 views

SA isinagawang ‘Meet the Press/Report to the Nation’ media forum ng National Press Club (NPC), isa pala si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director, Eduardo Gongona, sa mga “pumalag” sa Senate Report 649 na isinapubliko ni dating Senate President Vicente ‘Tito Sen’ Sotto III, noong isang buwan, ilang araw bago siya mawalan ng trabaho, ehek, nagretiro sa Senado.

Ang BFAR ay isang ‘attached agency’ ng Department of Agriculture (DA), na mismong pinamumunuan ni Pang. Bongbong Marcos Jr. (PBBM).

At bakit naman hindi, samantalang aniya, sa mahabang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng ‘agricultural smuggling,’ mula Disyembre 2021 hanggang Abril 2022, “kahit minsan,” aniya, ay hindi man lang siya tinanong ng mga senador sa isyu ng smuggling.

Translation? Ginawa lang siyang “dekorasyon” sa Senate hearing, hehehe, ayy, huhuhu! At pagkatapos, “kasama” na ang kanyang pangalan sa listahan ng mga umano’y ‘smuggling protectors,’ araguy!

Ayon pa nga sa kanya, may “alam” (kilala) siyang sangkot sa agri smuggling, pero, WALA sa listahan ni Sotto, ano ba yan, hehehe!

Dati ring kasapi ng militar si Gongona at katulad ni BOC commissioner Rey Leonardo Guerrero, na idinawit din sa nasabing Senate report, may ‘access’ siya sa mga ‘relevant government agencies’ at kahit sa NICA (na ayon kay Sotto ay ‘source’ ng kontrobersiyal nilang report) at katulad ni Comm. Jagger, kinumpirma rin sa kanya na “magkaiba” ang listahan ng NICA sa ginawang listahan ng Senado, araguy, ulit!

Hmm. Gusto tuloy nating maniwala sa “ibinulong” ng ilang miron na ang listahan sa Senate Report 649 ay isang ‘political hatchet job’ laban kay VP Sara Duterte noong panahon ng kampanya!

Paano ba ang “siste,” dear readers? Eh, siyempre, lahat ng “tatamaan,” sakaling inilabas ito noong campaign period, ‘appointees’ lahat ni PDU30 na “erpat” naman siyempre ni VP Inday. Kumbaga, “paano” ba nga naman “pagtitiwalaan” ng mga Pinoy si VP Inday, samantalang pulos ‘smuggling protectors’ ang ipinuwesto ng kanyang Tatay, gets ba ninyo, dear readers?

At dahil “kinapos” na ng panahon noong kampanya, ngayon na lang inilabas para naman mantsahan ang pangalan ng mga nakapuwesto katulad ni Comm. Jagger at Dir. Gongona para naman mawalan ng dahilan si PBBM na ire-appoint sila sa kanilang mga puwesto, gets ba ninyo ulit, mga kabayan?

‘Yun nga lang, katulad ni Comm. Jagger, hindi rin naman interesado pa sa kanyang puwesto si Dir. Gongona na bilang pagsunod sa tagubilin ni bagong ES Vic Rodriguez, ay binakante na ang kanyang puwesto noon pang Hunyo 30, ayon pa rin sa sinabi ng Memorandum Circular No. 1 ni ES Vic.

Translation ulit? Sa mga “atat” maglingkod sa gobyerno ni PBBM— basta doon sila sa mga ‘juicy positions,’— huwag na ninyong gawan ng mga report na batay lang sa tsismis ang mga katulad ni Dir. Gongona at Comm. Jagger at “bateryahin” sa publiko. Hindi kasi sila interesado pang magtagal sa kanilang posisyon, hane?
At na pag-usapan na rin lang si Comm. Jagger, talagang totoo ang naisulat natin na may mga taong “gustong tumulong” kay PBBM— basta doon sila ipuwesto sa Bureau of Customs, hehehe!

Eh, totoo ba kasi, ES Vic na, not one, not even two or even ten but, lampas 40 ang aplikante sa posisyong customs commissioner, wow!

Eh, bukod pa pala ito, sa 10 aplikante sa posisyon ngayon ni Deputy Commissioner for Intelligence (DCI) Rainier Ramiro, hehehe!

Hmm. Sa iba pang kayang ‘deputy commissioners’ sa BOC, ilan din kaya ang mga aplikante? Kaya rin ba idinawit si DCI Ramiro, Enforcement Group deputy commissioner Teddy Raval at revenue collection group deputy commissioner Vener Baquiran, sa Senate Report 649, dahil marami rin ang nag-aambisyon sa kanilang mga posisyon?

At kaya ba idinawit din sa starring role ng mga umano’y smuggling protectors si Comm. Jagger dahil ang isa pala sa iniwang “payo” (advise) ni finance secretary Carlos Dominguez sa kanyang kapalit na si secretary Ben Diokno ay “mas makabubuti” sa Customs at administrasyon ni PBBM na “huwag galawin” sa kanyang puwesto si Comm. Jagger sa pangamba na “makakanal” (read: masasayang) ang BOC modernization program.

At bakit pala tila mas “atat” pa ang ibang miron sa mga kaganapan sa BOC at malaman kung “sino” ang papalit kay Comm. Jagger? Ano bang motibo ninyo sa “pangungulit” ninyo?

Ayaw kasi nating maniwala na “curious” lang kayo, hehehe!

Abangan!

AUTHOR PROFILE