Donbelle

Belle, pinagpawisan, nataranta sa pang-uurirat ni Vice tungkol kay Donny

July 30, 2023 Vinia Vivar 500 views

Hindi malaman ni Belle Mariano kung paano sasagutin ang pang-uurirat ni Vice Ganda hinggil sa estado ng relasyon nila ng ka-loveteam na si Donny Pangilinan.

Sa latest vlog ni Vice ay si Belle ang guest and of course, hindi pwedeng hindi nila mapag-usapan si Donny.

Isa sa mga tanong ni Vice ay kung gaano sila katagal na nagligawan ni Donny.

“Grabe naman!” sabi ni Belle.

Sagot ni Vice, “Kasi nagpapadalahan kayo ng love letter, eh.”

“Grabeeh! Pinagpapawisan ako dito,” natatawang sey ni Belle.

Tanong ulit ni Vice, “Matagal?”

Sagot naman ni Belle, “Hindi ko alam, hindi ko masabi if ano.”

Natanong pa ni Vice kung lagi ba siyang nagsasabi ng “I love you” kay Donny.

Sabi ni Belle, “Ay, grabe naman! Bakit I love you agad?”

Tanong ulit ni Meme, “You don’t say ‘I love you’ to Donny?”

Sagot ng aktres, “No, grabe naman! Wait lang, pinagpapawisan ako!”

Halos mataranta talaga ang aktres at hindi na malaman kung ano ang gagawin.

Nasagot naman niya nang maayos nang tanungin kung ano ang pinakagusto niyang traits ni Donny.

“Gentleman siya, super. Pati ano siya, super selfless, ‘yan, and considerate. Parang never niya pang hindi ako pinagbuksan ng pinto,” sey ni Belle.

Kilig na kilig ang DonBelle fans at komento ng iba, hindi matapus-tapos ang ngiti nila habang pinapanood ang interview.

AUTHOR PROFILE