MTRCB

GMA, ipinatawag ng MTRCB dahil sa ‘indecent acts’ nina Vice at Ion sa ‘It’s Showtime’

July 31, 2023 Ian F. Fariñas 427 views

Nag-issue ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa GMA Network kaugnay ng isyu sa noontime variety show na “It’s Showtime.”

Ito ay dahil umano sa patung-patong na reklamong natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng diumano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng show na ipinalabas noong July 25.

“Ang naturang eksena ay lumalabag umano sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986,” pahayag ng Board.

Naka-schedule ang meeting ngayong Lunes sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City.

AUTHOR PROFILE