Belle Screenshot mula sa IG/@belle_mariano

Belle Mariano todo rampa sa Paris

September 21, 2023 People's Tonight 478 views

UMAGANG-UMAGA ay hindi natinag sa pagrampa ang aktres na si Belle Mariano sa kalsada ng tanyag na pasyalan at kabisera ng France na Paris.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 20, ibinahagi ni Belle ang isang video kung saan makikita siyang suot-suot ang kanyang classy OOTD habang tumatawid sa isang pedestrian sa Paris.

Sa background ng video ng aktres ay makikita ang sikat na Eiffel Tower at mapapansin ding kakaputok pa lamang ng araw dahil may makikita pa ngang nagjo-jogging na mapaparaan sa video ni Belle.

Suot ni Belle ang isang white dress habang nakapatong ang isang black leather jacket, at pinarisan niya pa ito ng black flat shoes at brown handbag.

“Mornings like this,” sey ng aktres sa caption ng kanyang post.

Pinusuan naman ng netizens ang video ni Belle. Komento nga ng iba ay napaka classy at confident ng aktres sa nasabing video.

“Parisian girl yarn?”

“Belle Mariano!!! Always a woman with class”

” love the peace that this vid is giving me, and I know that you deserved it so much. This is such a beautiful moment, Belle.”

“Wishing more travels like this in the future because you deserve them so much.”

“The most alluring thing a woman can have is confidence. Te quiero belladonna!”

“Mas maganda ka pa sa umaga always.”

“Belle just casually walking in Paris pero ang lakas ng dating.”

AUTHOR PROFILE