Iya Screenshots mula sa TikTok/@iyavillania29

Iya napagkamalang buntis sa TikTok videos

September 21, 2023 People's Tonight 108 views

NALOKA ang TV presenter at model-actress na si Iya Villania-Arellano sa mga komento ng netizens sa isa sa kanyang TikTok videos. Si Iya kasi, pinagkamalang buntis na naman umano.

Sa isang video kasi makikitang sumasayaw si Iya kasama ang isang floor director sa isang viral TikTok dance habang suot-suot ang damit na may ruffles na tila ba bumuo ng ilusyon sa bandang tiyan ni Iya upang magmukha itong malaki.

Mababasa sa comment section ng video ang ilang netizens na inakalang buntis ang TV presenter.

“Congrats po mukhang wala po byahe si Drew,” hirit ng isang netizen.

“Congrats po Ms. Iya, another blessing sa family,” sey naman ng isa.

“Another blessing na naman sana all,” komento pa ng isang netizen.

“Maam Iya.. Feeling ko buntis ka po ulit,” saad naman ng isang netizen.

“Pang ilang baby na po yan ni Ms Iya,” hirit pa ng isa.

Nilinaw naman ni Iya sa isang TikTok nitong Miyerkules, Setyembre 20 na hindi siya buntis. Makikita ang model-actress na nawindang sa mga comment sa pag-aakalang siya’y nagdadalang-tao muli.

“For the record, no, I am not. So, thank you for these comments, guys,” sey ni Iya sa video.

Muling nagbigay komento ang ilang netizens tungkol dito.

“Nasanay lang po miss iya! Sorry force of habit,” pahayag ng isang netizen.

“Iba po kase talaga kapag walang byahe si sir Drew e,” hirit naman ng isa.

Sa kasalukuyan, mayroong apat na anak sina Drew at Iya, ito’y sila Primo, Leon, Alana, at Baby Astro.

AUTHOR PROFILE