Bela Larawan mula sa IG/@bela

Bela masaya sa buhay pero….

January 20, 2024 People's Tonight 622 views

MASAYA naman na raw sa kanyang sariling buhay ang actress-director na si Bela Padilla, ngunit mayroon pa raw siyang pangarap na nais matupad.

Sa social media platform na X (dating Twitter), sey ng ‘Wish You Were The One’ actress ay nais niya raw gumanap kung sakaling magkakaroon ng Philippine adaptation ang kilalang 2016 comedy-drama series na ‘Fleabag.’

Tila nais targetin ni Bela ang role na Fleabag na bida sa kuwento na siyang ginampanan ng English actress-producer na si Phoebe Waller-Bridge.

“Guys. I love life so much right now. Yun lang naman. Sana kayo din… Ang pangarap ko na lang sa buhay now ay kung magkaka Filipino version ng fleabag, [makapag-audition] ako,” pahayag ni Bela.

Saad pa niya ay nais din niyang maging parte ng cast ng American historical fiction-romance streaming TV series na ‘Bridgerton’ kung nais daw nito ng Filipina actress.

“Kung magcacast sila ng Filipina in any of the Bridgerton series, [maka-audition] din ako,” pahayag ng actress-director.

Tila suportado naman ng netizens ang nais gawin ni Bela.

“Go Bela! We are rooting for you!!!”

“Bet sa fleabag filipino edition.”

“YAAAAAS!!!!! Love you Bela.”

“Gooo ate bels!! We’re rooting for yah!! Pangarap namin ang pangarap mo.”

“Huyyyy plsss if ever sana maging part ka ng bridgerton series. Iiyak tlga me u deserve it.”

AUTHOR PROFILE