Andrea

Beauty queen/councilor, dawit sa Andrea-Ricci breakup

June 9, 2023 Vinia Vivar 412 views

Nagbigay na ng pahayag si Ricci Rivero hinggil sa breakup nila ni Andrea Brillantes. Bagama’t walang pangalang tinutukoy, kinumpirma ng basketbolista ang hiwalayan nitong Biyernes ng madaling-araw sa pamamagitan ng isang tweet.

Ayon kay Ricci, hindi niya pinaalam agad ang breakup sa publiko dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang kanilang pinagdadaanan.

“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship,” pahayag ng basketbolista.

Kasunod nito ay umapela siya na sana ay huwag nang mandamay pa ng ibang tao sa kanilang hiwalayan at humingi ng paumanhin sa publiko.

“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you,” patuloy niya.

Nakiusap din si Ricci na bigyan sila ng panahon para mag-heal at makapag-move-on nang maayos.

“For everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” pagtatapos ni Ricci.

Bago pa man ang tweet na ito ay lumulutang na ang balitang hiwalay na sina Ricci at Andrea dahil na rin sa post ng basketbolista na IG Story ng beauty queen/politician na si Leren Mae Bautista.

Makikita rin sa Instagram account ni Councilor Leren na magkasama silang nag-celebrate ng birthday ni Ricci at namahagi ng mga pagkain sa Los Baños, Laguna noong May 26.

Dahil dito ay bumuhos ang galit ng netizens at inakusahan si Ricci na nag-cheat kay Andrea.

Ang simpatiya at suporta naman ay napunta sa aktres habang si Leren ay katakut-takot na pamba-bash na nararanasan dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayan.

Last April lang ay nag-celebrate pa ng first anniversary sina Ricci at Blythe (real name ni Andrea) kaya lalong tumibay ang hinala ng netizens na nag-cheat ang basketbolista sa GF.

Ilan sa mga komento ng netizens ay:

“Bkit mo repost igs nyu ng girl alam mo nman dimo pa clear status ng relasyun mo natural madami masasaktan tapos may pa delete pa din bkit mo igs yun public pa nman relasyun nyu ni blythe so anu eneexpect mo natural dami masasaktan.”

“False accusation daw! hahahaha ewan ko sayo. nasa bakasyon kayo ngayon ni LEREN. May healing ka pang nalalaman dyan. Hindi mo alam ibig sabihin nun cheater ka eh.”

We all know na hindi namin alam buong story behind your break up, pero super disappointed talaga kaming mga fans ni andrea sayo omg ka! We love blythe and she deserves better.”

“Wow naman may peace of mind ka pang nalalaman CHEATER.”

“Kawawang Andrea Sana maka move on ka na.. Focus lang sa work.. Kaya mu yan Andrea may Dios guide sayo.. Lahat kami nag mamahalin sayo.. Take care always yourself.. RICCI… mag move on na para walang masaktan… Ingat ka.”

“Taas ng tingin ko sa mga beauty queens kaso biglang…”

“We love you Blythe! We got your back. ALWAYS.”

“You deserve better Blythe.”

“Kahit naiinis ako sa kanya kasi minsan cringe siya, but still she doesn’t deserve to be cheated on. Bata ka pa naman blythe I hope makatagpo ka ng lalaking tatrato ng tama sayo but for now heal yourself muna.”

AUTHOR PROFILE