Bea may negosyo at sariling building

April 27, 2021 Aster Amoyo 584 views

NAG-EXPIRE na ang management contract ng dating Starstruck Kids finalist-turned actress, athlete and entrepreneur na si Bea Binene with GMA last April 1 pero nananatili itong loyal Kapuso. May weekly public affairs radio program siya sa DZBB, ang “Oh My Job” with Arnell Ignacio and Tuesday Niu.

Except for her weekly radio program, pansamantala munang huminto si Bea sa kanyang showbiz career dahil nagpu-focus siya sa pag-kumpleto ng kanyang Diploma on Professional Culinary and Pastry Arts sa Center for Asian Culinary Studies (CACS). Nagtapos din siya ng AB-Film sa Meridian International College.

It was in June 2019 nang itayo ni Bea ang Mix & Brew Coffee Shop sa SM Megamall Food Court habang itinatayo niya ngayon ang sarili niyang building ng Mix & Brew Coffee sa Nueva Ecija na matatapos na sa June.

Unknown to many, si Bea ay isa ring licensed scuba diver at wushu athlete.

She competed at the 2010 National Wushu Championship kung saan siya nakakuha ng bronze medal. Pangarap din niyang makasama sa Philippine National Wushu Team balang araw.

Si Bea ay huling napanood sa TV series na “Beautiful Justice” in 2019. She had her first lead role sa seryeng “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis” on GMA where she was under contract since 2004.

Bayani lolo na, gustong tularan si Ading

MAY isa nang apo ang singer-actor-comedian-host na si Bayani Agbayani and his wife of 25 years na si Lenlen sa kanilang panganay na anak na si Maria Thalia at mister nitong si James Carlos, ang younger half-brother ng actress na si Bea Alonzo. Ang mag-asawang James at Thalia with their child ay nakatira sa 12-hectare property ni Bea sa Zambales. Ang mag-asawa ay tumutulong sa ina nina Bea at James na si Mary Ann sa pamamahala sa napakalawak na lugar na pag-aari ng actress. May sarili na rin silang bahay roon.

“Natutuwa ako na mabait at responsible guy si James,” sabi ni Bayani.

Bukod kay Thalia, ang tatlo pang anak nina Bayani at Lenlen na pawang babae ay sina Rosalinda Marie, Mary Mar at Marian Sabrina.

Dahil big fan ng 90’s Mexican singer-actress na si Thalia ang misis ni Bayani, isinunod ang kanilang mga pangalan sa iba’t ibang characters na ginampanan nito sa ilang Mexican TV series. Marian devotee rin ang mag-asawa kaya may karugtong na Maria ang mga pangalan ng kanilang apat na anak.

Samantala, ngayong nasa pangangalaga na si Bayani ng Viva, umaasa ang actor-comedian-host-writer-singer na matutupad na rin ang matagal na niyang pangarap na magdirek ng isang TV sitcom, either with Randy Santiago ala-“Buddy en Sol” nina Redford White at Eric Quizon or another sitcom na puwede nilang pagsamahan ni Aga Muhlach na magiging available pa sa buwan ng September.

Although hinahanapan na siya ng proyekto with Viva, regular pa ring napapanood si Bayani sa noontime show na “Lunch Out Loud” na produced ng Brightlight Productions sa TV5.

Bago pa man lumagda ng kontrata si Bayani sa Viva ay may offer na umano sa kanya ang Cignal TV na gumawa ng isang sitcom patterned after “Buddy en Sol.”

Although hindi na inabutan ni Bayani ang yumaong writer-director na si Ading Fernando na siyang nag-direk ng mga popular TV sitcoms noon ng yumaong comedy king na si Dolphy, isa umano ito sa kanyang hinahangaang TV directors at gusto niyang pamarisan.

“Nabalitaan ko noon na isinusulat lamang nito sa papel impromptu ang mga gusto niyang gawin when he directs. He doesn’t work on scripts,” kuwento ni Bayani.

Ang popular sitcom na “John and Marsha” nina Dolphy at Nida Blanca ay isa sa mga dinirek ni Ading na sumakabilang-buhay nung 1984. Marami rin siyang naidirek na pelikula na karamihan (if not all) Dolphy movies tulad ng “John and Marsha 1 & 2,” “My Funny Valentine,” “Asyong Aksaya,” “Silang Matatapang ang Apog,” “Brutus,” “John and Marsha sa Amerika” at iba pa.

Kiko kinumpirmang hiwalay na sila ni Devon

KINUMPIRMA ng 26-year-old actor na si Kiko Estrada, panganay na anak ng dating magkasintahang Gary Estrada at Cheska Diaz na hiwalay na sila ng kanyang long-time girlfriend, ang ex-PBB housemate-turned actress na si Devon Seron.

Kung tama ang aming alaala, si Devon ay pangatlong showbiz girlfriend na ni Kiko after Kapuso stars Kim Rodriguez at Barbie Forteza. The uncouple started dating in 2019 at nitong nakaraang March lamang umano nagkahiwalay ang dalawa.

Dahil sa break-up nina Kiko at Devon ay nadamay ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo na agad pumalag. Sina Kiko at Heaven ay magkasama sa afternoon TV series ng Kapamilya channel, ang “Bagong Umaga” na magtatapos sa ere bukas, araw ng Biyernes.

Si Kiko ang kaisa-isang anak na lalake ng actor-businessman na si Gary Estrada (Ejercito). Tatlong babae ang anak nito sa kanyang wife, ang actress na si Bernadette Allyson na sina Garielle Bernice, Gariana Beatrice at Gianna Bettina.

Julia may gold play button na mula sa Youtube

MASAYA ang 24-year-old Viva young star na si Julia Barretto dahil umabot na sa 1-M subscribers ang kanyang YouTube channel entitled “Just Julia” na kanyang sinimulan in September 2019. She is to receive her second award mula sa YouTube, this time Gold Play Button mula sa YouTube for hitting 1-M subs.

Ang pinaka-recent upload ni Julia ay guest niya ang kanyang present boyfriend na si Gerald Anderson sa “Never Have I Ever” challenge na pinaniniwalaan naming humamig ng pinakamalaking views.

Subscibe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE