Lolit

Bea at Lolit, nagkaayos sa b-day party ng Beautederm owner

November 25, 2023 Vinia Vivar 259 views

GINULAT nina Lolit Solis at Bea Alonzo ang mga bisita sa birthday celebration ng Beautederm president na si Rhea Anicoche-Tan nang bigla silang nagbati at nagyakap sa harap ng press kahapon.

Matatandaan na matagal ding nagkaroon ng gap ang talent manager at Kapuso actress dahil sa misunderstanding na lumala nang lumala.

Kilalang malapit kina ‘Nay Lolit at Bea (Beautederm endorser) si Miss Rei kaya naman pareho silang dumalo sa bonggang “CelebReit” bash sa Luxent Hotel, Quezon City.

Sobra ang pasasalamat ng Beautederm owner sa ginawang pagbabati ng dalawa dahil aniya, hindi niya kakayaning mawala isa man sa kanila dahil pareho niyang mahal ang mga ito.

Samantala, bukod kina Lolit at Bea, dumalo rin sa birthday celebration ni Miss Rei ang iba pa niyang ambassadors tulad nina Maja Salvador, Rayver Cruz, Glydel Mercado, Jane Oineza, Alex Castro, Kakai Bautista at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE