Beth Tamayo Beth Tamayo

Bea at Dominic dalawang beses nag-dinner kina Beth

July 28, 2021 Aster Amoyo 1859 views

SAN Francisco, California, USA-based actress Beth Tamayo (41) is giving birth to her and American husband Adam Hutchinson’s first child, a girl in September 24, three days after Beth’s birthday on September 21 (Martial Law day). Pero puwede rin umanong mapaaga ang paglabas ng baby.

It was last March 21 nang i-announce ni Beth sa kanyang social media account ang kanyang pagdadalang-tao sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization). Ito rin ang magiging first baby ng actress ever dahil hindi siya nagkaroon ng anak sa kanyang first husband, ang Chinese-American na si Johnny Wong.

Sina Beth at Adam ay ikinasal sa pamamagitan ng isang intimate virtual wedding at the comforts of their home in San Francisco nung March 3, 2021 and had their belated honeymoon in Hawaii last week of June.

Nung nakaraang July 17 (Saturday) ay nag-organize ang half-sister ni Beth (sa father side) na si Joanne (ng Long Beach, California) ng baby shower party for his sister na dinaluhan ng respective friends and relatives ng mag-asawa at kasama na rito ang pamangkin ni Beth, ang Kapamilya actor na si Dominic Roque at rumored girlfriend nitong si Bea Alonzo. Ang dalawa ay nasa San Francisco pa rin hanggang ngayon. After the baby shower party, dalawang beses nang nag-dinner sina Dominic at Bea sa bahay nina Beth at Adam na ang huli ay nung nakaraang Martes ng gabi, July 27. The other Friday, July 23 ay nag-Korean barbecue sina Dominic at Bea kina Beth at Adam.

Although wala pang direktahang pag-amin na nagmumula sa dalawa, walang alinlangan na magkasintahan na sina Dominic at bagong Kapuso star na si Bea.

“She’s so sweet and nice,” description ni Beth kay Bea.

Samantala, thankful si Beth sa kanilang mga kaibigan ni Adam at ilang mga kaanak dahil halos kumpleto na umano ang mga kailangan ng kanilang magiging unang baby including a crib na nanggaling sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo which was ordered through Crate and Barrel online.

Umaasa naman si Beth na makakapunta sa Amerika ang kanyang inang si Mommy Zeny Tamayo (na nabakunahan na) in time sa kanyang panganganak.

Hidilyn bubuhos ang biyaya dahil sa tagumpay

HINDI marahil inaasahan ng kauna-unahang Filipino Summer Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz (30) na bubuhos ang biyaya sa kanya na aabot ng halos P60M.

Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz

As mandated by law, tatanggap ng P10M si Hidilyn mula sa pamahalaan, P10-M ang magmumula sa business tycoon na si Manny Pangilinan, P10-M mula sa negosyanteng si Ramon Ang (ng San Miguel Corporation), P5-M mula sa businessman na si Dennis Uy ng Phoenix Petroleum, P3-M mula sa negosyante at Deputy Speaker of the House na si Mikee Romero, P14-M worth of condo unit in Eastwood City mula sa Megaworld, P4-M worth of house and lot mula sa Century Properties at lifetime free flights mula sa Philippine Air Lines at Air Asia at iba pa na hindi pa accounted for making the bemedalled weightlifter a multi-millionaire. Labas pa rito ang scholarship grant sa kanya ng De La Salle’s College of Saint Benilde at iba pang incentives. Malamang din na muli siyang ma-promote sa kanyang present rank as sergeant ng Philippine Air Force kung saan siya kabilang since 2013 at makailang beses na ring na-promote dahil sa kanyang sunud-sunod na achievements bilang female weightlifter at kabilang na rito ang kanyang first gold medal mula sa 2020 Summer Olympics na ginanap sa Tokyo, Japan nung July 26, 2021.

Si Hidilyn ay pang-lima sa anim na anak ng mag-asawang Eduardo at Emilita Diaz. Ang kanyang ama ay isang tricycle driver, farmer at fisherman. Dahil mahirap lamang , hirap din siya sa kanyang trainings na kailangan pang ipanghingi ng sponsorship sa iba’t ibang sector pati na ang kanyang pagsali sa iba’t ibang weightlifting competitions sa iba’t ibang bansa. Kasama na rito ang tatlong magkakasunod niyang pagsali sa Summer Olympics na ginanap sa Los Angeles, California, Rio de Janeiro in 2016 kung saan siya nakapag-uwi ng silver medal and most recently sa Tokyo, Japan kung saan siya nakasungkit ng gold. She also got a gold medal sa 2019 South East Asian Games na ginanap sa Pilipinas at nung nakaraang taon sa Roma 2020 World Cup na ginanap in Rome, Italy. Labas pa ang mga ito sa silver at ilang bronze medals na kanyang napanalunan earlier.

Ang hindi alam ng marami, grabe rin ang hirap na pinagdaanan ni Hidilyn para sa kanyang training for the 2020 Summer Olympics dahil inabutan siya ng lockdown sa Malaysia mula February 2020 hanggang sa buwang ito ng July bago siya tumulak ng Tokyo, Japan. She left for Malaysia for the training pero nagsara ang mga gym at iba’t ibang sports activities doon dahil sa health restrictions dala ng Covid-19 coronavirus. Dahil sa kawalan ng presence ng kailangang equipments sa kanyang training, naranasan ni Hidilyn na gumamit ng bamboo kung saan nasa magkabilang-dulo ang mabibigat na bote ng tubig na kailangan niyang buhatin at ito’y ginagawa niya sa carport ng kanyang tinutuluyang bahay sa Malaysia. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at determinasyon na makapag-uwi ng gold, her main goal sa kanyang pagsali sa ikatlo niyang Summer Olympics competition.

Hidilyn is dating former weightlifter na si Julius Naranjo na isa na ngayong weightlifter coach at filmmaker. Ang dalawa ay na-feature sa programa ni Jessica Soho sa GMA, ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” habang ang buhay ni Hidilyn ay na-dramatize naman ng MMK in 2016 with Kapamilya actress Jane Oineza playing her role. Ang nasabing episode ay muling ipalalabas sa MMK sa darating na Sabado ng gabi, July 31.

Nung February 14, 2017, si Hidilyn ay pinarangalang Athlete of the Year of the Philippines ng Philippine Sportswriters Association.

Samantala, bukod kay Dyan Castillejo ay nakapanayam din si Hidilyn ng dating volleyball star-turned sportscaster na si Gretchen Ho right after his gold medal win sa Tokyo, Japan last Monday, July 16.

“Hindi ako makapaniwala . Nasorpresa ako na magagawa ko `yon. Kakaiba si God. Sa lahat ng prayer warriors ko sa Pilipinas, thank you so much. At sa team HD at sa lahat ng sumuporta sa akin, thank you so much for believing in me,” pahayag ng 2020 Summer Olympics weightlifting gold medalist.

Orestes Ojeda, pumanaw sa edad na 65

ISA na namang miyembro ng sining ang sumakabilang-buhay nung nakaraang Martes ng hapon, July 27, ang veteran actor na si Orestes Ojeda (Luis Pagalilauan in real life) dahil sa pancreatic cancer sa edad na 65.

Si Orestes ay 17 years old student at varsity player ng University of the East nang siya’y ma-discover ng writer-director na si Joey Gosiengfiao to join showbiz.

Una siyang ipinakilala sa pelikulang “Zoom, Zoom, Superman” na pinagbidahan ni Ariel Ureta.

Nakagawa rin siya ng sexy drama movies, sexy-comedy, drama at action movies tulad ng “Sunugin ang Samar,” “Isang Gabi, Tatlong Babae,” “May Isang Tsuper ng Taksi,” “Ang Boyfriend Kong Baduy,” ang classic movie ni Ishmael Bernal na “Manila By Night,” “Broken Marriage,” “Inay” ni Lino Brocka, “Scorpio Nights” ni Peque Gallaga, “Dingding Lang ang Pagitan,” ang horror movie na “Sanib” with Aubrey Miles, ang “Dekada `70” with Vilma Santos at ang huling pelikula niya in 2003, ang “Mano Po 2: My Home” with Susan Roces.

Kung hindi lamang napunta sa showbiz si Orestes or Louie (to his friends), he could have been a professional basketball player. He also paints, an art collector and maintains his own art gallery in Glorietta – Makati at sa Bonifacio Global City.

Mel Francisco, 78, pumanaw na rin

SAMANTALA, ipinaabot sa inyong lingkod ng non-showbiz partner ng dating actor na si Mel Francisco na si Jeraldine na sumakabilang-buhay na ang biological father ng actor na si John Regala. Si Mel Francisco (Adolfo Padilla Scheerer, Jr.) ay binawian ng buhay last Sunday, July 25 at 9:52 p.m. dahil sa cardiogenic shock sa edad na 78.

Mel Francisco
Mel Francisco

Si Mel ay may 17 anak mula sa 12 babae. The former actor has a 48 age gap nang kanyang makilala ang kanyang huling partner na si Jeraldine who was only 18 at that time.

Si Mel ay nagmula sa kilalang Padilla clan kung saan niya kamag-anak ang magkakapatid na Robin, Rommel at Rustom (BB Gandanghari) at iba pa.

Siya’y ipinakilala sa Pinoy espionage film na “Hong Kong 999” in 1965 na pinagbidahan ni Eddie `Lagalag’ Fernandez, ama ng concert queen na si Pops Fernandez. He co-starred with Stella Suarez in “Mansanas sa Paraiso” in 1965 na pinamahalaan ni Celso Ad Castillo. Nakasama rin siya sa pelikulang “Assignment: Jolo” with Charlie Davao, Maggie de la Riva at si Ruby Regala, ina ng actor na si John Regala. Ang iba pa niyang pelikulang nagawa noon include “Eagle Commandos,” “Red Beret,” “Fortress in the Sun,” “Kahit ang Mundo’y Magunaw,” “Ibalik Mo Ang Araw Sa Mundong Makasalanan” at iba pa.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE