Default Thumbnail

Bawal makialam ang kamag-anak sa QC

June 11, 2021 Allan L. Encarnacion 603 views

Allan EncarnacionMARAMING nagpaparamdam na kakandidatong alkalde sa Quezon City na pinakamalaking lungsod sa buong Metro Manila.

Hindi madaling pamunuan ang Kyusi dahil bukod sa malaki ang lugar na halos apat hanggang limang doble ng Maynila, highly populated din ito sa mamamayan niyang mahigit 1.7 milyon.

Puwede nating sabihin na tagal na rin naman akong taga-QC dahil 1977 naman kami dumating dito mula sa lugar ng aking kapanganakan na Caloocan. Kaya nakita natin ang transformation ng lungsod mula sa mga panahong walang kabuhay-buhay, hanggang maging one of the most vibrant and competitive cities.

Nagpasalin-salin na ang mga alkalde sa lungsod pero wala tayong nakitang malaking pagbabago kung hindi ang bangketa sa Timog at Morato na baklas-kabit. Kaya nga itong liderato ni Mayor Joy Belmonte na hindi man natin kakilalang personal, nakita natin na likas itong manager.

Sa totoo lang, mabigat ang feedback na nakakarating sa atin kay Mayor Joy kasi masyado itong mahigpit. Mahirap itong kausapin kung pabor din lang ang iyong hihinggin na makokompromiso ang kanyang pamamahala.

Ang kapatid ni Joy na si Isaac ang kaibigan natin na isa ring low profile. Ang maipagmamalaki mo sa magkakapatid na Belmonte, hindi nakikiaalam sa city management. Kumpara sa mga nakita natin noon sus, mula sa kapatid, tatay, bayaw, pinsan, pati ang mga amiga ng “lover” ay nakasawsaw sa lahat ng proyekto sa lungsod. In fairness, si dating Mayor at Speaker Sonny Belmonte, mataas ang respeto kay Joy dahil kahit minsan wala tayong narinig na nanghihimasok ito sa affair ng QC.

Sa ibang city, pansinin nyo, ang mga kapatid ni mayor, ang mga bayaw, ang mga hipag at ang mga kamag-anak ay nakikialam sa palakad ng lungsod. Sa Kyusi, masasapok ni Mayor Joy ang makikialam!

Sa mahabang panahon, natulog ang investment ng lungsod dahil nga pinabayaan sa mga nakaraan. Ngayon lang lumulutang ang business district ng QC dahil nakapokus si Joy sa mga negosyong magbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.

Kung tutuusin, QC ang dapat nauna sa lahat sa investment dahil sentro ito ng Metro Manila. Mula sa Kyusi, madaling pumunta sa South, accessible ang North, may gateway going to East at karugtong agad ng West. Kung hindi lamang naistorbo ng pandemic, sobrang daming magbubukas na blue chips company sa lungsod.

Anyway, iyong mga nagbabalak kumandidatong alkalde sa QC, mukhang marami pa silang kakaining bigas dahil sa pinakahuling survey ng RP Mission and Development Foundation Inc, nasa 38% ang nagsasabing ibotobo pa rin nila si Belmonte kung ngayon gaganapin ang eleksiyon.

Sa May 20-30, 2021 survey na may 5,000 respondents, lumilitaw na si Joy pa rin ang preferred leader ng lungsod.

Malaking hamon kay Joy na paunlarin pa ang lungsod sa susunod na tatlong taon kapag nakaraos na tayong lahat sa pandemic.

By the way, ang QC ang numero uno sa pinakamabilis at pinakamaraming nabakunahan magmula nang dumating ang mga vaccines.

Kudos!

[email protected]