
Batas para sa farmers, mangingisda itutuloy ni Sen. Cynthia
DAHIL 30 porsyento ng mahihirap na Pinoy nasa sektor ng pagsasaka at pangingisda, inihayag ni Sen. Cynthia Villar ang kanyang mga batas para matugunan ito.
Tinukoy ni Villar ang Philippine Statistics Authority (PSA) report kung saan ipinakikita na 30 percent ng kahirapan nasa hanay ng mga magsasaka, 30.6 percent sa mga mangingisda at 25.7 percent sa rural areas.
Kinilala rin niya ang mahalagang ambag ng mga ito sa nation building.
“Farmers and fishermen tirelessly toil our land and seas in order to feed us, give employment to our rural communities and provide raw materials for our food processing industries,” ayon kay Villar.
Dahil dito, sinabi ni Villar na patuloy ang kanyang pagsisikap na mapabuti ang kanilang kabuhayan. Binanggit din niya na ang poverty reduction adboksiya ng kanyang pamilya.
“I have taken steps as a senator to improve their conditions through legislation.
My agenda is through support programs to enable our farmers to lessen production cost and correspondingly increase their profits,” sabi ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food.
“One of these recent laws for the agriculture and fisheries sectors which she passed and a few which she hopes to pass until the end of her term in March 2025 is the Anti-Agricultural Economic Sabotage Act which is now close to becoming a law.
It is expected to be signed by the President into law soon, ” dagdag pa niya.
Itinatakda sa batas na ito ang pagbuo sa Anti-Agricultural Smuggling Task Force, Anti-Agricultural Smuggling Court at Special Team of Prosecutors mula sa Department of Justice (DOJ) para mapabilis ang paglilitis sa agri-economic sabotage cases.
Inakda at inisponsor din ni Villar ang “An Act Strengthening the Livestock, Poultry and Dairy Development and Competitiveness para sa development, promotion at competitiveness ng livestock, poultry at dairy industries.
Tinukoy din niya ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na naipasa noong March 2021 at ang 41 batas na nagtayo sa legislated hatcheries sa may 57 lugar sa bansa at ang Republic Act No 11985 o An Act Strengthening and Revitalizing the Salt Industry.