NVBSP

Batangas cities, towns pinarangalan

February 23, 2024 Jojo C. Magsombol 71 views

TUMANGGAP ng parangal ang Batangas Provincial Blood Council (BPBC) sa Regional Sandugo awarding ceremony sa Filinvest City, Alabang.

Ipinagkaloob ng Department of Health-Center for Health Development IV-A ang award sa Batangas bilang pasasalamat sa kontribusyon sa National Voluntary Blood Services Program (NVBSP).

Pinangungunahan ni Governor Hermilando Mandanas ang pagtanggap ng award bilang honorary chairperson, kasama sina Provincial Health Officer Dr. Rosvilinda Ozaeta, Philippine Red Cross Batangas Chapter Administrator Ronald Generoso, bilang vice president; at PEMSgt. Manuela Cueto ng Batangas PNP na gumaganap na council chairperson.

Ni-recognize din ang Calaca at Balayan matapos mahirang bilang top performing local government unit (LGU) sa city and municipal levels.

Kabilang pa sa mga LGUs na tumanggap ng recognition ang Batangas City, Lipa, Tanauan at Sto. Tomas at mga bayan ng Alitagtag, Cuenca, Taysan, Calatagan, Nasugbu, San Pascual, San Luis at Bauan.

Kasama ring nabigyan ng pagkilala ang ilang hospital blood banks at stakeholders sa probinsya at ang dalawang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas–Provincial Health Office (PHO) at Provincial Information Office (PIO).

Naging kinatawan ng blood council at pamahalaang panlalawigan sa pagtanggap ng mga pagkilala sina Arlene Brucal, Voluntary Blood Services Program Manager, at Rosanna Macaraig, Vector-Borne Disease Prevention and Control Program Manager, na kapwa kawani ng PHO.

AUTHOR PROFILE