
Baron napikon, nagbantang idedemanda ang netizen
Tila napikon si Baron Geisler sa isang netizen na nagkomento ng below the belt tungkol sa kanya sa X (dating Twitter) at nagbantang magsasampa ng demanda.
Nagkomento ang isang netizen sa isang video sa TikTok kung saan ay makikita si Ogie Diaz kasama si Baron at ang anak nito kay Nadia Montenegro na si Sophia Asistio.
Ang nakakalokang komento ng netizen, “pnu nkabuntis s Baron, eh Jutz yan.”
Nang mabasa ito ni Baron ay hindi niya ito pinalampas at sinagot ang netizen.
“I will sue you!” ang banta ng aktor.
Sa comment section ay maraming netizens ang um-agree kay Baron sa binabalak nitong pagsasampa ng kaso. Anila, dapat talagang turuan ng leksyon ang netizen.
“Yes, better teach that person a lesson. Medyo below the belt na yung sinabi nya. Hindi dapat palagpasin yan. Kaya go,” sey ng isang X user.
Pero may nagpayo rin naman sa kanya na huwag nang mag-aksaya pa ng pera at panahon sa mga ganitong klaseng tao.
Abangan na lang natin kung itutuloy ba ng aktor ang kanyang bantang pagdedemanda.