Christine Cristine Reyes

Baron na-starstruck kay Cristine, nanginig sa kissing scene

March 14, 2024 Eugene E. Asis 120 views
Baron1
Baron Geisler

SOBRANG na-starstruck ang award-wining Kapamilya actor na si Baron Geisler sa leading lady niyang si Cristine Reyes sa bagong pelikula ng Viva Films, ang “Dearly Beloved.”.

“Kasi sobrang ganda,,,at ang husay,”sabi ni Baron tungkol kay Cristine. Ayon kay Baron, tila tumaas ang kanyang BP (blood pressure) habang naghahanda na siya para sa kissing scene nila ni Cristine sa pelikula.

“I always make sure na kapag…sa bawat eksena namin, kakatok ako sa room niya, talagang nagpapabango ako, nagtu-toothbrush ako, para hindi ako amoy usok,” g kuwento ng aktor.

“Tapos nu’ng nabasa ko sa script, may ano nga (intimate scene) kami. Kaya tinanong ko si Cristine kung may kissing scene ba sila ni Empoy (sa pelikulang Kidnap For Romance). Sabi niya, ‘oo’. Lips to lips ba? Sabi niya, ‘oo.’ Oh, swerte ni Empoy, ah. Sabi ko paano siya nakakuha ng confidence?:

“Naku, alam mo naman ang level ng kapogihan ni Empoy,” natatawang kuwento ni Cristine. “Wala…ginawa lang namin.”

“Kasi, di ba? Nandu’n sa script (halikan)…nanginginig talaga yung kamay ko,” pag-alala ni Baron.

“Then I talked to Direk, sabi ko, ‘Direk, parang hindi ko kayang gawin ‘to. Para akong mahihimatay. Muntik na ‘kong magpa-check ng BP, walang joke. And it’s not even a torrid (kissing scene).

“Pero dahil nga na-starstruck ako (at hindi na nakapagsalita), sabi talaga sa akin ni Cristine, ‘Tama na ‘yan, Baron, tapusin na natin ‘to’, yun, nabuhay ako bigla, nahiya talaga ‘ko. So sabi ko, sige shoot na natin ‘to!” ang natatawa pang sabi ng aktor.

Kasama rin sa Dearly Beloved sina Phoebe Walker bilang Rhoan (ex-wife ng karakter ni Baron), at JC Tiuseco bilang Keith (ex-husband ng karakter ni Cristine), makakasama rin nila ang child stars na sina Althea Ruedas, Robbie Wachtel, Tyro Daylusan, at Charles Law na gaganap naman bilang mga anak nina Deo at Shel.

Kasama rin sa pelikula sina Ivan Padilla, Rey PJ Abellana, Marissa Sanchez, Ana Luna, Erica Ladiza, Guji Lorenzana, Ralph Engle at Nicco Manalo.

Ito’y mula sa direksyon ni Marla Ancheta, ang direktor din ng critically-acclaimed na pelikulang “Doll House,” kung saan ,mga pangunahing artista rin sina Baron at Althea Ruedas.

AUTHOR PROFILE